X6

64K 1.8K 128
                                    

SHELLANE POV

“HEY.”

Tulala ako. Pagkatapos akong halikan ng lalaking  ‘to. Kung kausapin ako, akala mo wala siyang ginawa sa’ken! “You asshole!” sabi ko. Akma ko na naman siyang hahampasin nang hawakan niya ang braso ko.

“Do you want to feel my lips again?”

Napabitaw ako saka hinila ang braso ko sa kanya. “Manyak! Kakasabi ko lang, no kiss, no touch, no hugging! Pero ano? Hinalikan mo ako! Hinawakan mo ako!”

“Hug nalang ang hindi. Gagawin ko na ba ngayon?” Nang-aasar na tanong niya.

Nakakagigil ang lalaking ito. Bwisit! “’Di mo ba alam na first kiss ko ‘yun?! Damn you! Kakasuhan kita!”

“Ha-ha! Kakasuhan ng ano? I just kissed you. And I’m sure that you like it. Based on your face expression a while ago.”

Kung ‘di lang talaga ako makakapagtimpi. Sa totoo lang, hindi ko ‘yun first kiss. Di naman ako manang at nahahalikan naman ako ng mga past boyfriends ko na hindi tumatagal ng buwan. Sinabi k lang ‘yon para kahit papaano ay ma-konsensya siya pero, mukhang walang konsensya ang lalaking ‘to. Damn him.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? First kiss ko ‘yun!”

“Then you’re lucky. Ako ang first kiss mo.”

Kainaman naman sa kayabangan ang lalaking ‘to. Ito ba ang makakasama ko sa iisang bubong? Baka ma-utas ako. Shit. “This is not funny, Ace Xander.” Seryosong sabi ko. Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Inis na inis na ako!

“I know. And telling you you’re lucky that I’m your first kiss, that’s not funny, too. I’m serious. You’re really  lucky.”

Seryoso pa siya ng lagay na’to? Juice colored! Anong nagawa kong kasalanan para mabigyan ng assignment na may kinalaman sa lalaking ito? “Feeler.” Nasabi ko lang.

Kung patuloy akong makikipag-debate sa lalaking ‘to, manganganak ako kahit ‘di ako buntis. Psh. 

“You know what, you have a soft lips. Ang sarap halikan.”

AHHHHHHH! “Stop it! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!”

Tumawa siya. Ginagawa ba niya akong clown, huh? “I’m serious.” Anito.

“Serious mo mukha mo!” sigaw ko. “Mabuti pang umuwi na lang ako! Nagbago na ang isip ko! ‘Di ko kakayaning makasama ang isang tulad mo. Bwisit!”

Tumayo na ako pero napigilan na naman niya ako. Lagi nalang niya akong nahahawakan sa braso ko. “Don’t go. I’ll stop.” He said. Seryoso na ngayon ang mukha niya.

XBANG Series 2: Ace Xander JungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon