Kabanata 75

20K 649 23
                                    

" Alam mo yung nangyari kay Nassandra pero wala ka man lang ginawa?!" Napangiwi ako nang suntukin ulit ni Diego si Tito Elias na nasa sahig at dumudugo na ang ilong at bibig.

Namamaga na nga din yung mukha sa kakasuntok sa kanya eh.

I actually feel bad for him.

Kaya bago pa siya masuntok ulit ni Diego ay inalayo ko na siya kay Tito.

" That's enough Diego. Okay lang ako. Nandito na ako sa harap mo. So please, stay calm" tumitig siya sa akin. His expression slowly soften.

Hinawakan niya ang pisngi ko at para bang nasasaktan siya sa tingin niya sa akin.

Patakbo siyang lumabas ng bahay at hinayaan ko nalang siya.

Tumingin ako kay Tito Elias.

" Wow. That look suits you" tinignan niya ako nang masama.

" Thanks" sarkastiko nitong sagot.

Nakataas ang kaliwang paa, nakadantay dito ang kaliwang braso, tumingin siya sa akin.

" I'm so sorry Pat. I mean, Nass. For everything" I see guilt in his eyes. Umirap ako sa sinabi nito.

" Teka lang. Kukunin ko lang yung cellphone ko at nang marecord yung pagsosorry mo" ngumiwi siya.

Yeah. I hate him...

" You b*tch" hindi ko napigilang mapatawa at muntik na akong mapatigil nang sumabay siya sa pagtawa. As in tawa na tawa talaga. Hindi yung tawang pangdemonyo

" Okay. Last time I saw you, hindi ka ganito. High ka ba? Baka sumosobra ka na sa droga" pinanliitan niya ako ng mata.

" Una. Hindi ako nagd-drugs at pangalawa, I get to see my family last week but my father decided to kill them" napabukas ang bibig ko sa narinig.

" May pamilya ka?"

" Oo. They're on the other side of this country pero nahanap pa rin siya ni Dad."

His eyes flickered to me.

" Now, I know what you're feeling when you lost your family. I'm such a jerk Nass. I want to say sorry for that" sumeryoso ang mukha ko.

" You know that I can't forgive you so easily, but I'm giving you a chance here. So don't let me take it from you" halos gusto ko nang makuha yung phone ko at picture-an ngayon ang nakangiting mukha ni Tito Elias.

" Okay Nass... thank you" pinanliitan ko siya ng mata.

Grabe yung pinagbago niya...

" Kapag dumating si Keiranz dito. Act the way you should. Iyon naman ang plano mo kaya pumunta ka dito diba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

" Ano?" Ngumisi lang ito sa akin bilang sagot.

Maya maya ay nakarinig ako ng sigaw.

" Let me go! Nasaan si Nassandra?!" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Keian. At papalapit ito sa bahay.

Napatingin ako kay Tito Elias na tumawa na parang bumalik siya sa dating siya.

" I told you, she's inside" napakagat ako ng labi at tumingin sa pinto.

Alam nila yung pakay ko kaya ako pumunta dito?

Pero...

Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang pinto at nakita si Keian na may sugat sa may balikat na parang nadaplisan ng bala ng baril at si Diego sa likod niya na bumalik ang ekspresyon sa pagiging malamig.

Napatingin sa akin si Keian.

" Nass! Are you okay?" Kahit na naguguluhan ay tumango ako.

" Why did you text me Nass? Bakit ka nandito kasama ang lalaking ito!?" Sinuri ko si Keian at naka pantalon lang siya at plain t-shirt. Iba sa halos lagi kong nakikitang naka-suit.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon