Chapter 24

26.7K 720 96
                                    

Medyo umaayos na ang injury ko. Hindi na ako nahihirapang tumayo o umupo. Sa katunayan nga ay nasa harapan ako ngayon ng computer. Inaasikaso ko kasi yung trabaho ko. May nalalapit kasing meeting na magaganap. At kailangan ako ng boss ko sa virtual meeting na iyon. I need to prepare a presentation, yun ang nakatoka sa akin.

Napasulyap ako kay Quiro noong bumuntong hininga siya at mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama ay pabagsak siyang humiga.

Parang bored na bored na siya. Sinong hindi mabobored kung wala ka man lang makausap diba.

Sa totoo lang medyo iwas ako sa kanya sa mga nakaraang araw hindi naman masyadong iwas na iwas talaga. Yung tama lang. Hindi pa ako nakakaget over sa mga nangyari noong dumalaw si Quin dito. Because of that one thing that I found out. The fact that he was jealous of Quin. And the way he possessively said that "I'm his."

Naoawkwardan ako. Basta! Pero ayaw kong ipaalam sa kanya.

This is new to me. After how many years na walang nagkainteres tapos biglang meron. Well hindi pa naman ako sure. Kung talagang may gusto sa akin si Quiro. Assume assume muna ganun.

"Jamieya gurl. Kailan ka ba matatapos diyan?" He ask. Hindi ko alam kung pang ilang beses na niyang tinanong sa akin iyan.

"I don't know." Tanging sagot ko lang sa kanya. Sa totoo lang nangangalumata na din ako dahil sa antok. Kanina pa ako nakaharap sa pesteng computer na ito and seriously I am also sleepy but I need to finish this.

"Bakit kasi dika pa magresign diyan sa trabaho mo? Ilang beses ko nang sinabi yun sayo." He frustratedly said to me at saka siya bumangon. Napabuntong hininga ako. Kailangan ko na ba talagang magresign?
Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Ilang oras ka na ding nakaupo diyan. And it's bad for you gurl." He said. Hindi ko nalang siya pinansin, wala siyang nagawa kundi ang panoorin nalang ako sa ginagawa ko. More or like tinititigan ako ng napakatagal at naiilang ako sa ginagawa niya. He is making me uncomfortable. He is making me concious on how I look like.

Nilingon ko siya ng kunot noo.

"Stop staring bakla." Saway ko sa kanya.

He groaned and rolled his eyes. "I am so bored." Sagot niya.

"So kapag tumitig ka sa akin hindi ka na mabobored-"

"Oo."

"I am not doing anything. Paano ka maeentertain niyan? Alam mo ang weird mo." Naiiling nalang na sabi ko sa kanya.

"I just love staring at you. And you don't need to do something to entertain me. You are entertaining me without doing nothing." He said at ayan ka na naman sa paninitig niya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang pag akyat ng dugo sa aking pisngi at pag init ng aking tenga.

Gosh! Am I blushing. Napatikhim ako para kalmahin ang puso kong naghaharumentado na naman. Nag iwas na ako ng tingin, hindi nakatakas sa aking paningin ang pag ngisi niya.

"Gosh ang ganda ko talaga. Genius mo Quiro." He said complimenting his self. Flinip pa niya ang may kahabaan niyang buhok. He is not on his manbun right now.
Para siyang tanga doon na bubulong bulong.

Napailing nalang ako. Napatikhim ulit ako at nagdecide na magconcentrate sa ginagawa ko.

"Natapos din!" I said and stretched my arms. Tumayo na ako at napangiti nalang noong makita si Quiro na mahimbing nang natutulog sa kama ko.
Hindi din niya natagalan ang pagtitig sa akin at nakatulog din.

Medyo nakaawang pa ang kanyang labi. He is sleeping peacefully like a child. Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama.

Hinaplos ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa kanyang mukha.
Napabuntong hininga ako.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon