Kabanata 76

19.8K 682 132
                                    

" Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Trikj. Siya yung lalaking laging nasa tabi ni Lolo.

Isa siguro ito sa sinasabing powerful allies ni Lolo. Dahil mukhang mayroon siyang hawak na isang illegal group. At iyon ay nakokontrol ni Lolo.

Sinabi niya sa akin ang pangalan niya kahit hindi tinatanong. Kakaiba nga nung name eh. Parang may pagka-russian.

Minsan ay nakakausap ko siya at nakikita ko ang busilak nitong puso ang kaso lang ay malaki ang utang na loob nito kay Lolo kaya gagawin niya ang lahat para dito.

" Inutusan ako Miss na dalhin ka sa lugar na ito" Ewan ko pero napaghahambing ko sila ni Erick. Parehas na malaki ang katawan nila, body builder at halos magkaparehas sila ng pagsasalita.

Naglalakad kami ngaton sa isang underground facility at may makikita kang sunod sunod na rooms sa kaliwa at kanan.

Dalawang araw na akong nandito at laking pasasalamat ko na walang ginagawa sa akin si Lolo.

*thud*

Nanlaki ang mata ko nang makarinig na may pinapalo.

Maya maya ay napunta kami sa isang nakabukas na kwarto at may ibang tauhan doon na nilalatigo si... Keian?!

Napasinghap ako nang makita ang kalagayan nito.

Madami siyang sugat sa upper body.

Pang ibaba lang ang suot niya na halos natatakpan na ang kulay dahil sa dugo.

Nasa sahig lang siya, naka-kadena pa at buong lakas na nagpupumiglas.

Napansin niya ako at napatingin siya sa akin.

" Are you pitying me? YOU'RE THE ONE WHO BROUGHT ME HERE!!!" tumayo siya at akmang lalapit sa akin pero napigilan siya ng kadena na nasa dalawang kamay niya.

Parang wala siyang sugat sa katawan sa lakas ng paghila niya sa bakal.

Tinignan ko ang mukha niya bago iniwas ang tingin at napasandal sa pader.

" Anong ginagawa niyo?" Pabulong kong tanong kay Trikj. Nagtaas siya ng kamay at tumigil sa paglatigo yung mga tauhan.

" Sir Maximo will give you a condition later. If you refuse, he's going to be beaten till death" bumuntong hininga ako.

" Wait! Maximo?!" Sumenyas si Trikj at lumabas ang tauhan sa loob ng kwarto at isinara ang pinto.

" Buhay si Maximo?!" Hindi nila pinansin si Keian habang sinamahan nila ako papunta sa kwarto ni Lolo.

" Oh. Good morning Pat" tinignan ko siya nang masama pero hindi siya binati pabalik.

" You're making my heart ache Pat. Talk to me" tumungo ako.

" So, did you see Marques?" Nang hindi ko siya sinagot ay bumuntong hininga siya.

Nakatayo siya ngayon at wala sa kama niya.

Hindi ko alam ang sakit niya pero sigurado akong dahil dito ay paunti nang paunti ang panahon ni Lolo.

Good.

" Alam ko namang sinigurado ni Trikj na pinakita niya sa iyo ang kalagayan ni Keiranz"

Lumapit si Lolo sa akin at niyakap ako.

Nanlaki naman ang mata ko.

No...

" Pat. You brought him here... so I'm going to use his him against you. Before you even turned on us." Humigpit ang yakap niya sa akin.

" You will be my nurse since you knew about medicine" my eyes flickered to the nurse inside the room.

Nanlaki ang mata nito at kaagad na lumuhod sa harap ni Lolo.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon