Chapter 37

821K 37.8K 32.1K
                                    

"Good morning, Miss Sol."

I smiled at Ford. Maaga akong nagbukas ng shop para simulan na ang pag-ba-bake ko. Nauna ako ngayon kina Roswell at Jelay, hindi gaya noong mga nagdaang linggo.

Sinabihan ko si Ford na tingnan na ang list of deliveries namin para masimulan ko na ang gagawin. Kalahating orders ang natapos ko kahapon kaya hindi na masyadong hassle ngayon.

"Maga ang mata ah, iyak ka, girl?"

Binatukan ko si Jelay. "Huwag mong sirain ang araw ko at baka paanakin kita."

She covered her belly, as if protecting her baby from me.

"Ang sama ni Ninang!"

I rolled my eyes. "Hindi ko papapaskuhan iyan."

She glared at me. "Sana ikasal na sina Duke at Bethany."

Malakas ko siyang minura pero tinawanan niya lang ako. Ipinagpatuloy naming dalawa ang pag-ba-bake na talagang masama ang timpla ko sa kanya. Minsan tuloy ay sinasadya kong pahiran ng harina ang suot niyang itim na dress kaya sinisinghalan niya ako.

"Basta ang alam ko, bago ang kasal, may naghahabol sa akin," pang-aasar ko.

"Ako pa rin ang end game."

I chuckled. "Wala lang choice."

She stomped her feet, napipikon na. "Napakahayop mo! Ganan ba talaga kapag virgin?!"

Naputol ang pag-aasaran namin nang pumasok si Roswell na nakabusangot. Nakakunot ang noo nito at matalas ang nguso. Padabog pa nitong inilagay ang tray sa station.

"Anong nangyari?" tanong ko. "May problema ba sa customers sa labas?"

Umiling ito. "Ang daming deliveries. Nagrereklamo na ang iba dahil gusto nila agad-agaran. Nag-leave pa naman si Lexus kaya walang katulong si Ford."

Ibinaba ko ang rolling pin na hawak. I crossed my arms and leaned on the sink.

"Pwede namang ako ang mag-deliver. Malayo ba?"

Tumingin sa akin si Roswell. "Eh, sinong katulong dito ni Jelay?"

I slid my apron off and glanced at Jelay.

"Ayos lang, patapos na rin naman kami. Nakasalang na ang huling batch ng cinnamon bites."

Roswell nodded. Lumabas siya sandali at ibinigay sa akin ang info ng customers. Napasimangot ako nang makitang tatlong magkakalayong lugar ang mga iyon.

I took my car keys and walked out of the store.

Inuna kong padalhan ang dalawang nasa bahay lang. Mild orders lang naman ang mga ito kaya hindi hassle. Inabot din ako ng halos dalawang oras sa paghahanap at pag-hihintay sa mga nagpipick-up.

Nag-ring ang cellphone ko at agad kong na-identify na customer ito dahil nasilip ko kanina ang number sa papel na ibinigay ni Roswell.

"Good afternoon. This is Solene of The Slice," bati ko agad pagkasagot ng tawag. "I'm on my way to your company..."

"Uhh... okay. Thank you. Anong oras po kaya kayo makakarating? Paalis na kasi ang bisita."

I bit my lower lip. "Fifteen minutes, Miss."

Nang maibaba ang tawag ay mabilis akong nagmaneho. Kung alam ko lang na para sa bisita ay inuna ko na 'to. Wala pang labinglimang minuto ay nakarating ako sa company. Wala na akong oras basahin kung anong kumpaniya ito dahil dumiretso na ako papasok.

"Hi, I'm here to deliver these..." Itinaas ko ang dalang apat na paper bags para ipakita sa receptionist. "...to Mr. Cedric Castillo."

May tinawagan muna ang babae bago ako tuluyang papasukin. Pinaakyat nila ako sa 7th floor at nang makarating doon ay nakita ko agad ang maraming cubicles. Dinig na dinig ko ang tunog ng pagtatama ng daliri at keyboard ng laptop. Isinama pa ang isang tambak na mga papel.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon