Chapter 38

923K 36.3K 48.7K
                                    

"Paano si Bethany?" tanong ko, nanginginig pa rin sa sinabi nya.

"Ikaw ang mahal ko, Sol," nanghihinang sagot nya.

My cheeks flushed. Para akong nakalutang sa sinabi nya. Hindi pa nag-si-sink in sa akin ang nangyari. Basta ang alam ko ay mabilis ang tibok ng puso ko at magaan ang pakiramdam ko.

"Pero sabi niya... you're on the same page," I whispered. "Akala ko ay... kayo."

He crouched a little toward me. Lalo akong namula sa lapit namin sa isa't isa.

"Paano naman magiging kami kung ikaw ang gusto ko, Solene?" he uttered with sincerity.

Para akong nayanig sa sinabi nya. I breathed deeply to calm myself, but it wasn't enough! Kaunti na lang ay sasabog na ako sa nararamdaman.

I gulped. Yumuko ako at tiningnan ang mga sapatos namin. My white flats looked small with his black leather shoes. Kahit sa paa lang, parang mas dominante pa rin ito.

"Bumalik ka na sa loob... Bethany is waiting for you." I wanted to slap myself for stuttering.

"Pupunta ka na ba sa shop?" he asked softly.

Nakayuko akong tumango. Sigurado akong namumula ang pisngi ko sa nangyayari.

"May plano ka ba mamayang gabi?" mas malambing ang boses na tanong nya.

"Wala..."

He let out a low chuckle kaya napatingala ako sa kanya. Mapungay ang mata nya at dahil nakangiti ay sumilay ang dalawang biloy sa pisngi.

"Nahihiya ka ba sa akin, Sol?"

I squinted my eyes at him. Parang nawala ang mahika ng mga sinabi nya.

"Manliligaw lang kita," anas ko na parang hindi kinakabahan.

He looked amused. Binasa nya ang pang-ibabang labi at tumitig sa akin na parang aliw na aliw sa nakikita nya.

"Ganda mo."

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Seryoso niyang sinabi iyon! Itinulak ko sya nang malakas pero hindi manlang siya natinag. Gawa ba sa bato si Duke?!

He smiled. "Dinner tayo?"

I glared at him. "Ayaw ko."

"Bakit? May iba ka bang gagawin?" muling sumeryoso ang mukha niya. "Ipagluluto kita."

I pouted. "Bahala ka sa buhay mo. Aalis na ako."

"I will fetch you at 6," he said.

Tumango lang ako. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at ganoon din siya. Parang pinakikiramdaman namin ang isa't isa.

He cleared his throat. "And tell Atreus I'm sorry."

"Why?"

He looked away. "Basta..."

I breathed and nodded. "Uuna na ako, ha?"

Bumaling ulit sya sa akin at tinitigan ang mata ko.

"Mag-iingat ka, Solene."

Namumulang sumakay ako sa kotse. Tinted naman ito pero kinakabahan ako dahil nanonood pa rin sa akin si Duke. Pinaandar ko ang sasakyan hanggang sa tuluyan akong makalayo roon.

I bit my lower lip as my mind wandered back to what had happened earlier.

He still loves me, right? Liligawan niya ulit ako at sa oras na sagutin ko isya, pwede ko na siyang tawagan, kumustahin, yakapin... halikan.

I blushed. Umiling ako at ipinaling na lang sa ibang bagay ang isip ngunit kahit anong gawin ko ay naiisip ko ang lalaki.

We had kissed before, but I was curious how it felt now. He had grown into a more mature and refined guy, and I couldn't help but wonder about some... things. His arms were very muscular, not that he wasn't before. Ngayon kasi ay parang tambay ito sa gym. Even his chest looked good. He had turned into a sexy beast.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon