PBTYML (season 2)- Episode 22

1.8K 57 4
                                    

~Evelyn Eva Kyla's POV~

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niya akong hinila palabas ng building ng clinic.

"You are only mine Evelyn your all attention, your body, your soul, your all part of your body is mine 'alone' pagmamay-ari kita, akin ka lang."

"You are only mine Evelyn your all attention, your body, your soul, your all part of your body is mine 'alone' pagmamay-ari kita, akin ka lang."

"You are only mine Evelyn your all attention, your body, your soul, your all part of your body is mine 'alone' pagmamay-ari kita, akin ka lang."

Hanggang ngayon ay hindi pa nawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Keven kanina, sobrang na speechless ako at hindi ko alam kung ano ang dapat na e react ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit niya sinabi ang mga salitang yun sakin? Paano ako naging sa kanya? Kailan ba naging kami? Kailan niya ako pag-mamay-ari? Kailan ako naging sa kanya?

Gusto kung masgsalita pero parang walang lumalabas sa bibig ko sa mga oras nato at nagpahila nalang sa kanya, buti nalang hindi na sumakit tong puson ko.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami ng parking lot, nakita ko yung kulay abo niyang kotse katabi ang kanyang mala gintong Lamborghini at katabi ng Lamborghini ang  kulay abo niyang motor.

"Get in the car"madiin at malamig niyang utos sa akin, tahimik kung sinunod ang utos niya sa akin at hindi parin nagsalita, hindi pa ako naka move-on sa biglang halik niya kanina at sa sinabi niya sakin, sobrang na speechless talaga ako doon.

Inaamin kung bawat halik niya ay sobrang gustong gusto ko, pero kapag naisip ko yung kissing scene nila Angelica ay parang gusto kung magwala sa sobrang inis.

Pinaadar niya ang kotse at tahimik na nagdadrive, ako naman ay wala paring imik, naiinis ako lalong lalo na sa bruhang si Angelica. May pa iyak iyak pang nalalaman kanina.

"Tsk"untag ni Keven sa katahimikan, nagsawalang kibo nalang ako dahil wala ako sa mood, nainis ako kapag naisip ko yung bruhang si Angelica na hinalikan si Keven, sila ba ni Angelica? Bakit kami ni Keven naghahalikan pero hindi kami? Pero sila ni Angelica naghahalikan din naman diba? Ibig bang sabihin non may relationshi!t sila? hayss. Nalilito tuloy ako.

Bahagya akong bumuntong hininga dahil sa ininiisip ko, kasabay doon ang biglang pagpreno ni Keven sa kotse niya, kung hindi lang ako naka seatbelt ay baka nasubsub na ako.

Inis ko siyang nilingon dahil sa ginawa niya, seryoso ang mukha niyang nakatitig sa kagandahan ko, ano bang problema niya? Bumuntong hininga lang ako nagulat na siya? Kung hindi lang siya gwapo sa paningin ko ay kinarate kuna to, kainis. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit na kinagulat ko.

"Fvck! What did you do to me Evelyn"bahagyang kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ng isang to, luh? ano daw ang ginawa ko sa kanya? E di ko naman siya inaano?

"I feel like I'm being killed whenever you are with Walter or any other man. Damn Evelyn I'm fvcking jealous"sa pangalawang pagkakataon ay mas lalo akong na speechless dahil sa sinabi niya.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon