Chapter Twenty-Five

292K 10.2K 7.6K
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, o kung may dapat ba akong maramdaman.

"Vaughn, okay ka lang ba?"

Pinuntahan ko si Vaughn sa kuwarto niya at kinumusta siya. Hindi maganda ang mood niya kagabi, malamang hindi siya nakatulog nang maayos.

Sinuot na ni Vaughn ang coat niya bago niya ako nilingon. Lumapit siya sa 'kin saka marahang hinaplos ang pisngi ko. Tipid na ngumiti na lang ako sa kaniya.

"I'm fine. I'm sorry about my sudden outburst last night. Something terrible came up," sabi niya kasabay ng pagdilim ng anyo niya.

Napabuntonghininga na lang ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.

"'Wag kang matakot, alam kong mananalo ka. You did your best and you're the best politician for me," sabi ko naman saka ngumiti nang matamis sa kaniya.

"Thank you."

Hindi ko sigurado kung ano ang bumabagabag sa isip ni Vaughn. Dahil ba kay Arken? Kilala niya ba si Arken o talagang kalaban lang sa pulitika ang tingin niya rito?

"Si Arken Zaviere, mayor siya ng Caloocan City noon, pero nabalitaan ko na tatakbo siyang mayor dito ngayon. Puwede ba 'yon? Galing siya sa Caloocan tapos dito siya tatakbong gobernador? Hindi puwede 'yon, 'di ba?" sunod-sunod na tanong ko.

Halatang natigilan naman si Vaughn ngunit napakamot na lang siya sa batok niya.

"He has his ways," tipid na sagot na lang niya.

Napatango na lang ako at hindi na nangulit dahil mukhang wala talaga siya sa mood pag-usapan iyon. Lumabas na lang ako ng silid ni Vaughn.

"Gina, pakitawag nga si Vander sa kuwarto niya, mag-aalmusal na 'ka mo," utos ko kay Gina. Agad naman siyang tumango saka sinunod ang utos ko.

Napabuntonghininga ako at kinuha ang cellphone ko. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang nagdadalawang-isip kung pipindutin ko ba iyon.

Huminga ako nang malalim saka nagtipa sa cellphone ko.

Arken Zaviere

Wala naman akong pakialam sa nangyayari sa kaniya ngayon. Wala na nga akong balak na magpakita sa kaniya o gustuhin na makita siya. Nagtataka lang ako kung bakit sa lahat ng lugar na puwede niyang takbuhan bilang gobernador, bakit dito pa sa Sorsogon?

Hindi naman sa umaasa ako na ako ang dahilan, alam ko namang walang pakialam sa 'kin ang walang pusong lalaking 'yon. Sobra lang talaga akong nagtataka sa nangyayari.

Baka naman nagkataon lang.

Napailing na lang ako. Nagkataon man o hindi, wala naman akong pakialam. Buhay niya 'yon, matagal na akong nawalan ng pakialam sa kaniya.

"Who is he?"

Halos mapatalon ako sa gulat at dali-daling pinatay ang screen ng phone ko. Napatikhim ako at pilit na ngumiti kay Vander na nakatitig sa 'kin. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya. Minsan talaga ganyan si Vander, para siyang assassin kung minsan, nagugulat na lang ako nasa tabi ko na pala siya.

Maling ideya talaga na nag-search pa ako ng tungkol kay Arken. Kung maaari, ayokong makilala ni Van ang totoong tatay niya. Aminado akong natatakot ako, natatakot ako sa posibleng gawin ni Vander kapag nakilala niya ang tatay niya. Matalinong bata si Van, posibleng malaman niya kaagad na tatay niya si Arken.

"Ahm, wala lang, kalaban lang ni Vaughn sa pulitika," sabi ko na lang saka muling ngumiti sa kaniya.

"Si Arken Zaviere?"

Natigilan ako sa tanong niya, napaiwas ako ng tingin sa kaniya saka tumango. Marahil nabasa niya 'yon sa cellphone ko kanina.

"Kumain ka na," sabi ko na lang saka pinaupo siya sa tabi ko. Tahimik na lang siyang umupo saka nagsimulang kumain.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon