10 - Wits for Life (Last Part)

1.1K 97 32
                                    

10 - Wits for Life (Last Part)



"Isang kinginang traydor," madiin na sabi ni Arkin. Bakas ang matinding galit at pagkadismaya sa kanyang boses. "Akala ko tutulungan ako ng punyeta. Naturingang security guard ampota."



"Watch your mouth, young man," mahinang pananaway ni Felicity dahil sa sunod-sunod na murang lumalabas sa bibig ng binata. "Security Guard kamo dito 'yong hinahabol mo?"



Tumango si Arkin. "He's not wearing his uniform, but I know that man. Akala ko close kami kasi palagi niya 'kong pinapapasok noon kahit wala akong ID. Tsk."



"Anong kinalaman niya sa nangyayari dito sa school niyo?" pagsali ni Cholo sa usapan. "Teka, ano ba talagang nangyayari dito?"



"Aba, malay ko," pabalang na sagot ni Arkin, walang pakialam kahit naka-unipormeng pang-pulis ang kausap.



"Arkin," may pagbabanta sa tonong tawag ni Felicity.



"Nandito kami para kumuha ng documents namin," sumusukong paliwanag ni Arkin. "Nakakuha na ang lahat last week, ngayong week lang ini-schedule ang mga engineering. Nakita namin yung bangkay ng registrar tapos may bumagsak din galing rooftop. 'Yong mga sumubok humingi ng tulong sa labas, nahati daw ang katawan."



Napakurap-kurap ang dalawang pulis dahil sa dire-diretsong pagku-kuwento ni Arkin. Nilingon pa nito si Cholo.



"May fiesta dito sa school namin. Magbabalot ka ba pauwi?"



Naningkit lang ang mga mata ni Cholo. Hindi niya naintindihan ang huling sarkastikong sinabi ng binata na halos kasing-edad niya din lamang.



"Sandali." Naningkit din ang mga mata ni Arkin. "Sabi nila nahahati ang katawan ng mga dumadaan sa gate. Paano kayo nakapasok dito?"



Tila nagising ang diwa ni Cholo dahil sa narinig. Naalala niya ang sinapit ng bumper ng patrol car na dala nila. "Ibinuwis namin ang trabaho ko."



Napakunot lamang ang noo ni Arkin. Inilipat niya ang tingin sa babaeng pulis.



"Sinira namin ang Gate 2."



"Edi, mailalabas niyo kami dito?" tanong ni Arkin na nasagot ng isang tango.



"Ang sabi mo engineering. Do you mean all engineering graduates from your batch?" tanong pa ni Felicity na agad namang tinanguan ng binata. Nakita niya pa itong nagpunas ng pawis gamit ang likod ng kamay na may hawak sa baril. "Akin na nga 'yan. Hindi ka dapat basta-bastang humahawak niyan."



"Kung hindi ko 'yan naagaw, baka hindi niyo na 'ko naabutang buhay."



Bumuntong hininga lamang si Felicity saka tinignan ang baril na may iilang gasgas sa dulo. "May silencer 'to?"



"Kanina," sagot ni Arkin. "Tinanggal ko. Walang thrill."



Naibagsak na lamang ni Felicity ang kanyang mga balikat saka napapikit ng mariin na tila ba nagtitimpi. "Nasaan ang iba?"



"Louie's Hall."



"Let's go."



*****



| Came from a Latin word meaning "cleverness" |



"It doesn't even seem like a riddle anymore," bulong ni Ally sa sarili matapos basahin ang tanong.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon