Chapter 26

18K 1K 284
                                    

Louella

"Holy crap! I-I can't breathe!" Napahiga na lang ako sa damuhan sa sobrang pagod. I can't even remember when was the last time I played this hard.

I'm so yikes! Sweats dropping, this is so gross.

"Give up na agad, Pooper? I want to play pa." Napasimangot si Alliston habang pilit akong hinahatak patayo.

We were playing tennis dito sa malawak na lawn nila Kayleigh Montello. Kaming dalawa ni Grant yung magkatag team. Tapos si Alli at Hariette yung kalaban namin. We've been playing for more than two straight hours without break. Kahit nga si Grant na kapartner ko ay tila latang lata na din na napahiga na din sa damuhan sa tabi ko. Pagod na pagod na din.

Why not? Alli is a monster in this field. She's been playing for hours pero parang di pa nga ito napapagod. Nagwater break lang nga ito saglit kanina. Tapos go na ulit sila ni Hariette. And being partnered with Grant na saksakan ng yabang, syempre ayaw din namin magpatalo.

Kaya kung sino man ang nagsasabi na hindi magaling si Alliston sa larong ito, even after winning the Golden Slam, is a real prick. She's unbeatable.

Maybe this isn't really just for us. I can't even keep up with Alli in this game. Parang wala naman kasi itong kapaguran. She's like a typical machine that's been programmed to play this craft.

"Pooper naman e. Napaka-weak mo!" Inis na sabi pa nito. "Isang oras pa. Hindi pa nga ako pinagpapawisan o!"

Napatingin naman ako dito. Oo nga! Ang fresh pa din nito na para bang nahihiyang kumapit yung pawis sa mukha at leeg nito kahit kanina pa ito habol ng habol sa bola. Maybe because of her sweat band. Pero shocks! Ang sakit na ng binti at braso ko.

"Ayoko na, Alli. Pagod na ko. Pwede bang time-out ulit?"

Tuluyan na talaga itong napasimangot at saka nagdadabog na binitawan yung braso ko.

"Ang tanda mo na kasi kaya ang bilis mo mapagod. Dapat kasi magwork out ka para mag-improve naman yang stamina mo. Ang weak weak mo. Gusto ko pa nga!"

Natatawang hinatak ko ito palapit sakin. Nauntog pa nga ito sa leeg ko.

"Yucks!" Tili nito dahil dumaplis yung pisngi nya sa leeg ko na puro pawis nga. "Puro pawis ka na. Pinagpawisan ka pa nyan? E ang weak weak mo naman kalaro. Dapat pag gusto ko pa, gusto mo pa din." reklamo nito.

Kumuha ako ng towel at pinunasan na din yung mukha niya.

"Gusto ko pa naman talaga, Alli bear. Di na nga lang kaya ng katawan ko. Kulang yata sa work out. Sa susunod, ready na ko."

"Weak ka pala, Lou. Gusto pa daw ni Alli babe." Tumawa pa ng nakakaloko si Grant. "Gusto mo ako na lang muna ang kapalitan mo? Kayang kaya ko pa kahit ilang rounds p-"

Inis na sinipa ito ni Alliston kahit pa nakahiga na nga din ito sa damuhan. Katabi nito si Hariette na napaupo na lang din sa sobrang pagod.

"Gago ka, Grant. Nag-iiba meaning pag ikaw nagsasalita."

Imbes na mapikon ay tumawa lang ng malakas si Grant. Napahawak pa nga ito sa bibig nito dahil sobrang sama na ng tingin dito ni Alliston.

Alli and I confirmed that we two are already dating. Syempre, nag-ingay yung mga kaibigan nito. They even told me how lucky I am for dating someone as flashy as Alliston Parker. Kahit nga sa socmed kalat na kalat na yung relasyon namin ni Alli bear. That's enough to outfame the rumor that she dated Kyeroh Montecillo.

But that guy aren't stopping yet. Gusto yata talagang sirain si Alli. But I am not yet done with him too.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng biglang sipain ni Alliston yung likod ng tuhod ko para mapaupo ako nito sa damuhan. Umupo pa ito sa lap ko at saka pinunasan yung pawis ko. Napangiwi naman ako.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon