XX

6.4K 377 38
                                    

Chapter 20 - Fire Castle

Vanilla's POV

Narating namin ang tarangkahan ng Fire Castle and I was like... Ohh myy gooshh!

Hindi pa rin nagbabago ang kastilyo at sobrang ganda pa rin nito! And I am sooo excited to enter this castle. Bilang lang kasi sa mga daliri ko sa kamay ang mga araw na nagpunta kami rito. Damn! Ang ganda talaga!

The castle have different color of fire orbs in every side of the castle na nagsilbing liwanag tuwing gabi. At nakakahalina itong tignan. Like hindi talaga nakakasawa, promise! Sa pinakatuktuk naman ay ang pinaghalong kulay ng apoy. Green, orange, yellow, white, red and blue fire inside a big sphere. At para silang tubig na dumadaloy at gumagalaw sa loob nito creating a nice fire combination.

Nang makita ang prinsipe ng apoy na si Gemini, sinalubong agad kami ng mga kawal na nagroronda tuwing gabi.

"Mahal na Prinsipe." Sabay na bati nilang lahat at gamit ang isang tuhod, lumuhod sila bilang pagbibigay galang.

"Stand." Cold na pagkasabi ni Gem sa mga kawal.

Kahit kailan talaga 'tong lalaking to. Napapailing na lang ako. Hindi na talaga nagbago.

"Tatawagin na po namin ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna." Sabi ng kawal.

Ngunit pinigil siya agad ni Gemini.

"Don't." Bigkas ni Gem at naunang maglakad na binigyang daan naman ng mga kawal.

Pagpasok namin sa napakalaking pintuan sa harap ng kastilyo, sinalubong kami ng mayordoma ng kastilyo.

"Prince Gemini," bati niya sa kanilang prinsipe at yumuko. "Mga prinsipe at prinsesa," binalingan niya kami at yumuko. "Sumunod po kayong lahat sa akin." Seryoso ang mukha nito at makikita sa itsura ng mayordoma ang kamalditahan nito.

Pout.

Tahimik kaming sumunod sa kanya at ang tunog lamang ng mga yapak namin ang maririnig sa pasilyo.

"Magkakatabi lamang ang inyong mga kwarto sa kwarto ng kamahalan. Kaya wag kayong mag-aalala. Sa isang kwarto ay may limang higaan." Huminto ang mayordoma sa paglalakad at binuksan ang isang pinto sa gilid namin. "Lahat ng babae ay dito." Sabi niya. Pumasok kaming mga babae at si Gelo na kanina pa karga si Afianna sa kanyang mga bisig.

He genuinely cares for her. How sweet.

At tila ang mga paru-paru sa aking tiyan ay isa isang namamatay.

Ahhh! Ano ba, Van? Umayos ka nga! Pero kailan mo kaya ako mapapansin? Una pa lang kasi napansin na kita. Agghh! Heart! Kapit ka lang!

Marahan niyang inihiga si Afianna sa isang higaan na malapit sa bintana bago niya ito hinalikan sa noo at hinaplos ang buhok nito na may matatamis na ngiti sa labi. Bago umalis sa tabi nito at lumabas.

Heart! Kapit ka lang talaga.

"Have a nice night, ladies." Sabi ng mayordoma bago isinara ang pintuan at iniwan kaming lahat na babae.

"Good night, girls." Sabi ko sa kanila sabay flying kiss at humiga sa kama na katabi kay Afianna.

Tumagilid ako ng hinga, kaharap si Afianna na hanggang ngayon tulog pa rin. Ang griffin ay naiwan sa Guama Village ay hindi naisama sa pagteleport namin dito. Pero for sure susunod din ito papunta rito.

Tinitigan ko si Afianna. Suot pa rin nito ang cloak nito at ang mask. Gusto ko sanang tanggalin ang mga ito pero natatakot ako na baka bukas paglamayan na ang patay na ako dahil sa pagpaslang sa akin ni Afianna. Huhu.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon