Chapter 25

25.9K 758 44
                                    

Nagulo gulo ko ang aking buhok dahil sa inis. I am sitting on the rattan swing. Sinulyapan ko ng tingin si Quiro na nasa couch habang nanonood ng kung ano. Ewan ko comedy ata ang pinapanood niya.

'Obvious naman na comedy yun Jamieya. Like duhh, tatawa ba siya kung hindi iyon comedy' kontra ng utak ko. Mas lalo akong napasimangot. He seems okay after the short misunderstanding between us last night. He is acting like he is okay is the right term. Dahil tumatawa nga siya pero yung mata niya malamlam naman.

Pansin ko kay Quiro medyo may pagkasensitive siya. Ilang beses na ba niya akong iniwasan dahil sa mga nasabi ko sa kanya na masasakit?
Ilang beses na din.

At saka hindi ako mapakali ngayon dahil feeling ko iniiwasan na naman niya ako.

Not again.

Kaya mas nagulo ko ang buhok ko.
Pabagsak akong humiga sa rattan swing at napatitig sa kawalan. Pinipilit ko ang aking sarili na alalahanin ang nangyari noong gabing iyon. Napapikit ako ng mariin.

'You need to try your best Jamieya!'

'Concentrate!'

'Mahahanap mo din sa pinakatago tagong parte ng utak mo ang kung ano mang nangyari noong gabing iyon.'

Inilagay ko ang aking magkabilaang hintuturo sa aking magkabilaang sentido. At pumikit ng mariin.

'KAYA MO YAN JAMIEYA.'

"Bes akala ko ba pwetan niya yung nainjured?"

"Bakit parang yung utak niya ata?" Rinig kong may nag uusap. May nag uusap sa utak ko?

Pero napamulat ako ng mata at apat na mukha ang bumungad sa akin. Nakapalibot sila sa rattan swing and they were intently looking at me with there creased forehead.

Naparoll eyes nalang ako sa isip isip ko. Mabuti naman at naisipan pa akong bisitahin ng mga walang kwentang bestfriend ko. At saka bakit hindi ko man lang namalayan na nandito na sila?

Napakunot ang aking noo when a glimpse of memory suddenly pop out on my mind.

"Kaimbyerna yung mga beshikels mo! Mga wala silang kwenta!"

"Hoy! Hindi sila walang kwenta!"
"They love me!"

Is that a part of that night? Yeah, hindi naman talaga mga walang kwenta ang mga kaibigan ko. Napabuntong hininga ako. How I wish ang maalala ko ay ang pinakamahalagang parte ng gabing iyon. The thing that I said to him, the thing that made him change and be like this. Hindi yung mga bagay na wala namang kwenta dahil hindi ko din masasagot ang mga katanungan ko.

Sabay sabay din silang lumayo sa rattan swing na napapailing.

Hindi na sila nahiya. Ipinagkatiwala nila ako kay Quiro. Alam ko naman na mga busy sila pero ipinagkatiwala talaga ako kay Quiro!

Yung manyak na baklang iyan!
Speaking of manyak... Naalala ko yung ginawa niya sa akin kagabi. And in an isntant my face was red as flush. Napailing iling ako at tinapik tapik ang pisngi ko na uminit.

"Jamie okay ka lang? Namumula ka?" Ariza asked and she checked my temperature.

"May sinat ka bes." Alalang sabi niya. Paano ko ba ipapaliwanag na wala akong sinat at saka epekto lang ng nangyari kagabi ang pag init ng katawan ko. Gosh! I was so mad last night because he touched me pero ngayon natuturn on ako pagkaalala ko lang doon. Samantalang iyon ang dahilan kaya feeling ko iniiwasan na naman ako ni Quiro.

Forgotten Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon