Kabanata 20

48.4K 2.4K 1.1K
                                    

Kabanata 20

"I...don't actually know what to say." I said while staring at the side of the vehicle.

Lipat Bahay Gang

Isn't this some kind of syndicate? Anong tawag doon? Akyat Bahay Gang?

"Nah, you don't actually have to say anything, Dra." Napabaling ako kay Atlas na tumayo sa gilid ko, "we're just here to offer you a moving service."

Napanguso ako at nagtaka.

"Bakit kayo?" I asked, biting my lower lip. "I mean, I called Sir Alex last night—"

"Ah, nagkasakit kasi si Sir Alex," ani Atlas kaya mas kumunot ang noo ko.

"Then, ang mga kasama niya? Bakit—"

"Parehas lang naman, Lia. Bale A, Alex at Atlas. At least parehong A." Ngumisi siya.

My forehead creased, napatawa na si Heart sa gilid at naglakad sa tabi ko.

"Bobo naman ng dahilan, boplaks." Heart hissed and suddenly smiled brightly when she saw me looking at her. "Pasensya na, Lia, ah? Ano kasi...may sakit nga si Kuya Alex kaya kami ang nautusan."

"Bakit kayo?" I asked, nakita kong lumabas na si Ted sa sasakyan at naglakad na rin papalapit. "Wala ba siyang empleyado or assistant?"

"Uh, kami 'yong assistant..." Atlas smiled, dahil sa shades ay hindi ko alam kung nagloloko ba ito o ano.

Sumandal ako sa gilid ng sasakyan, pinagmamasdan ang nasa harapan ko.

Atlas is wearing a black shirt and maong pants, nakataas ang sulok ng labi pero 'di ko makita ang kanyang mata dahil sa shades. Si Heart ay malaki din ang ngiti at may hawak pang papel at si Ted ay nakatitig sa akin at ngumiti nang mahuli ko siya.

"Hi, Lia." He smiled. "You look so...pretty."

Natawa na ako roon, umiling ako nagsalita.

"Hindi naman. Ngayon lang kita nakita ulit, Ted, ah." Bati ko at ngumiti sa kanya.

Si Ted siguro, kahit papaano'y itinuring akong kaibigan. Before I even got close to Heart and Atlas, nakakausap ko naman at nagkakasabay na kami noon pa ni Ted sa byahe.

Siguro nama'y itinuring niya talaga akong kaibigan? I hope so...

"Yeah, I'm working in Cagayan. Bumisita lang ako kasi bakasyon ko ngayon tapos—"

"Lagpas na tayo sa time limit," ani Atlas kaya bigla akong natigilan at napasulyap ako sa kanya. "Magbuhat na ng box, Ted!"

"Chill," Ted suddenly laughed, lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Ted!" Atlas growled.

Nahuli kong kunot na ang kanyang noo at pirmi ang labi. I saw him removed his sunglasses, halos mapairap na.

"Oo na...oo na, chill..." tawa ni Ted kaya napatawa na rin ako, nang bitawan niya ang buhok ko at pinisil pa niya ang pisngi ko.

"Putang..." I heard Atlas hissed kaya napaatras ako kay Ted.

Ted burst out laughing, naiiling na ngumisi siya sa akin at bumaling kay Atlas.

"Sorry na, Cap." Ngisi nito at bumaling sa akin. "We'll take care of your boxes first, okay?"

"Sure," I smiled a bit at him.

Nang lumayo na si Ted sa akin at lumapit kay Atlas ay nahuli ko ang nagtagal na tingin nito sa akin. I just stared at him, confused why he looks like a kid throwing tantrums, napakurap ako nang umirap siya bigla.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon