Chapter 339

546K 25.7K 47.4K
                                    

A/N: this past few days parang napapalayo ako sa pagsusulat. Hoping that I can get back to track sooner.

Naghihintay ang series ko!! 😭😭😭



Ninong at Ninang

Jay-jay's POV

"Grazel Jay?" Tanong ko.

"Di ba sinabi na namin sayo na gagamitin namin ang pangalan mo?" Tanong ni Denzel at tumango naman ako ng maalala ko.

Oo nga pala.

Nung nagpunta sila sa bahay kasama ng ibang mga Ulupong ng dahil lang sa pag-aalala. Binanggit na nga pala nila sakin yon.

"Saan naman galing ang Grazel?" Tanong ko ulit.

"Grace and Denzel." Sagot ni Grace habang inaayos ang pagkakabuhat sa baby.

"Ang taray." Komento ko.

Sinilip ko ang baby sa bisig niya. Mas malinis na siya ngayon kumpara kanina na balot ng kung anong tubig at kaunting mantsa. Maayos na rin ang kulay niya.

"Gusto mo buhatin?" Alok ni Grace pero nag-alangan ako.

Baka mabitawan ko siya o kaya mabali ang buto. Muka pa naman siyang babasagin. Para bang kapag namali ako ng hawak, ikapapahamak niya. Ayoko pa naman ng mga umiiyak na baby.

"Okay lang Jay. Buhatin mo na. Mag-practice ka na." Pang-aasar ni Denzel kaya tinignan ko siya ng masama.

"Ano? Ano? May sinasabi ka?"

Umiling lang siya habang natatawa. Binalikan ko ang baby at dahan-dahang inabot mula sa mga braso ni Grace. Tinuruan din niya ko kung paano ang tamang pagbuhat.

Ang liit niya talaga.

Bahagya ko siyang inugoy habang umaayos ng tayo. Napangiti ako ng makita kong gumalaw ang labi niya.

"Bagay. Mukang magkakaroon na ng kalaro si Grazel." Pang-aasar ulit ni Denzel pero hindi ko siya pinansin.

Pinagka-abalahan ko ang baby at sinimulan siyang kausapin.

"Hello baby, ako ang Ninang mo." sabi ko at narinig kong nag-react si Grace.

"Sino namang may sabing Ninang ka?" Pang-aasar niya.

Matapos lahat ng paghihirap ko? Hindi ako Ninang?

Bagay talaga silang mag-asawa. Paborito nila kong asarin. Kung hindi lang kapapanganak nito malamang binalikan ko na siya ng pambabara at pagmumura.

Pero bawal magsalita ng bad words ngayon. Baka marinig ni Baby at yun pa ang una niyang matutunan.

"Sabi ni Denzel."

"Ninong sabi ko, hindi Ninang. Si Kit kaya yon." Sagot naman niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Gusto mo turuan kong lumipad ang anak mo?" Alok ko habang palapit sa bintana.

"Hoy! Joke lang yon!" Bawi ni Denzel at lumapit sakin.

"Subukan mo lang!" Banta naman ni Grace.

Akmang kukuhanin ang baby sakin pero tumanggi ako. Nag-e-enjoy pa ko sa pagbuhat sa kaniya. Basta wag lang siyang iiyak dahil baka ibato ko talaga siya.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa paglilibang ko habang hawak si Grazel. Hindi ko na din napansin na may mga pumasok na pala sa kwarto. Natigil lang ako ng makarinig ako ng humihikbi.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon