CHAPTER 196

2.2M 50K 68.4K
                                    

MAX'S POV

"ARAY! ARAY! Aray ko, Taguro! Aray!"

"Anong tutut, ha? Anong tutut? Anong tutut!" Pinagpapalo ko sa braso si Sensui nang makasakay sa kotse niya.

Wala kaming nagawa kundi ang magpaalam sa mga Rewis dahil sa hindi inaasahang pangyayari at nakita. Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman. Pakiramdam ko ay napakaraming nangyari sa loob sa iilang minuto. Nakakabaliw ang napanood ko. Namumula ako sa kahihiyan dahil sa sandaling iyon sa pagitan namin ni Sensui.

Napapikit ako sa inis at sinamaan siya ng tingin. "Abnormal ka kasi!"

Napakatulis ng nguso niya, masama ang tingin. "Idinikit mo kasi 'yang kamay mo sa tutut ko! Bastos ka! Kababae mong tao ay bastos ka! Bastos ka, babe!"

"Hindi ko nga sinasadya! Sinadya ko ba? Badtrip ka, ah!"

"Kahit pa! Alam mo bang matindi ang epekto no'n sa tao? Mas abnormal ka!"

Aba, at ako pa? "Woi! Ikaw 'tong humila sa 'kin bigla! Malay ko bang gano'n ang magiging pwesto natin?"

"Kahit na! Sa dami nang pwede mong hawakan ay bakit doon pa?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong hawak—woi! Hinawakan ko ba? Hinawakan ko? Hinawakan ko? Hinawakan ko!" napipikon na talagang angil ko, patuloy siyang pinapalo. "Napadikit lang 'yong kamay ko—hawak na 'yon sa 'yo? Ikaw ang abnormal, napaka-OA mo!"

"Tch! 'Tapos ako ang tatawagin mong manyakis?" nakangisi ngunit naiinis pa ring singhal niya. "Ikaw 'yon! Mapagsamantala! Yak!"

Lalong nanlaki ang mga mata ko. "Ang tigas ng mukha mo, ah!" hindi ko mapigilan ang inis, napapahiya ako masyado.

Baka ang iniisip niyang sinadya ko 'yon dahil gusto ko, hindi kaya? King ina! Mamatay na! Hindi ko 'yon hinawakan! Napadikit lang nang hindi sinasadya!

"Alam mo—kasalanan mo 'yon, eh! Kasalanan mo lahat!" muli ko siyang pinalo.

"Aray ko, Taguro, ah? Kanina ka pa. Hahalikan na kita!"

"Sige, sasapakin talaga kita!"inambaan ko siya. "Pwede ba? Bawas-bawasan mo kasi 'yang pagiging tsismoso mo? Napapahamak na pati 'ko, eh!"

"Wow! Ako pa ang magbabawas, eh, ikaw 'tong may ginawa matapos mamboso!"

Nanlaki ang mga mata ko, napamaang, napapikit at naiumpog ang sarili sa upuan. Mababaliw ako sa lalaking 'to! "Ang kapal-kapal ng mukha mo, Sensui! Sinabi nang hindi ko nga sinasadya! At hindi ko 'yan hinawakan!"

"Naramdaman ko!"

"Na sinadya ko?"

"'Yong init no'ng kamay mo—kaya hinawakan mo!"

"Letse! Umuwi na tayo! Bababa na 'ko!" singhal ko, akmang bubuksan ang pinto ng kotse niya.

Nagtaka ako nang hindi man lang ako pigilan ng loko. Inis ko siyang nilingon. Matalim pa rin ang tingin niya habang nakanguso.

"What?" asik ko.

"Anong what?"

"What are you looking at?"

"Why are you still here? I thought you're leaving already?"

"Ah!" hindi makapaniwalang sambit ko. "At hindi mo man lang ako pipigilan?"

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon