Chapter Twenty-Seven

316K 10.2K 4.6K
                                    

Mas pinili ko na lang na hindi seryosohin ang sinabi ni Arken.

Aminado ako na kinakabahan ako. Malaki ang posibilidad na kuhanin niya talaga sa 'kin si Vander, kapag nangyari 'yon, wala akong choice kundi ang humingi ng tulong kay Vaughn. Siya lang ang kilala ko na kaya akong matulungan at kayang kalabanin si Arken. Siguro kakapalan ko na lang ang mukha ko.

"Is there something bothering you?"

Napatingin ako kay Vaughn nang umupo siya sa tabi ko saka inabutan ako ng baso na may lamang gatas. Napangiti na lang ako at kinuha 'yon. Alam na niya talaga ang kailangan ko kapag hindi ako makatulog.

"Wala naman, hindi lang ako makatulog," pagdadahilan ko na lang saka ininom ang gatas.

"You're absolutely lying, Dr. Macarios. Nagpupunta ka rito kapag marami kang iniisip, lalo na no'ng mga panahong nag-aaral ka pa lang," natatawang sabi niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

Palagi talaga akong nandito sa pool area kapag marami akong iniisip, nakatitig lang sa pool ng ilang oras. Weird mang pakinggan pero napapakalma n'on ang isip ko kahit papa'no.

"You can tell me what's bothering you," sabi niya habang seryosong nakatingin sa 'kin.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tipid na ngumiti sa kaniya. Napangiti na lang din siya at hinawakan ang kamay ko saka dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin nang pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako masanay-sanay sa tuwing ginagawa niya 'to. Pakiramdam ko teenager pa rin ako na kinikilig sa bawat gesture ng crush ko.

Minsan naguguluhan ako kung bakit niya ginagawa ang mga 'to. Minsan hindi ko maiwasang isipin na baka may gusto rin siya sa 'kin, o baka naman pinapaasa niya lang ako, o kaya naman ganito lang talaga siya at normal lang 'to sa kaniya. Pero hindi ko pa naman nakita na ginawa niya 'to sa ibang babae, at ayoko rin namang makita na gawin niya 'to sa ibang babae.

"Kumusta ang pangangampanya mo?" pag-iwas ko na lang sa usapan. Napangiti na lang siya saka mahinang kinurot ang ilong ko.

"You're changing the topic, silly woman," sabi niya saka pinaningkitan ako ng mga mata.

"Sagutin mo na lang," ungot ko.

Inakbayan niya ako, yumakap na lang ako sa baywang niya at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ang bango talaga ni Vaughn.

Magkaiba sila ng amoy ni Arken.

Natigilan na lang ako at napailing. Bakit naman biglang napasok sa isip ko ang lalaking 'yon?

Ayaw ko mang aminin pero hanggang ngayon ay tanda ko pa rin ang amoy ni Arken. Siguro tumatak na talaga 'yon sa sistema ko, pero wala namang ibig sabihin 'yon. Mahirap lang siguro talagang kalimutan 'yon.

"It's kinda tiring, as always. Especially the smile part, it's not easy to smile for hours. Ang sakit sa psingi," natatawang sabi niya at hinawakan pa ang pisngi niya.

Lumayo ako nang kaunti sa kaniya, napangiti na lang ako at kinurot ang pisngi niya.

"Hmm, paano 'yung mga kalaban mo? Hindi ka ba nai-stress sa kanila?" tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko, saglit siyang natahimik pero ngumiti na lang siya sa 'kin bago sumagot. "Wala naman akong matinding kalaban, si Arken Zaviere lang talaga. Nag-tie kami sa survey kahapon. To be honest, I'm kinda nervous. He's not an easy opponent," sabi naman niya.

"'Wag kang mag-alala, mahaba-haba pa naman ang oras mo para mapatunayan ang sarili sa mga tao. Saka sigurado naman ako na kinakabahan din si Arken Zaviere sa 'yo," sabi ko na lang saka tinapik ang balikat niya.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon