Chapter 41

951K 38.9K 24.1K
                                    

"But, I won't stop... Solene. My feelings for you were too intense to control."

Nawala ang kabang bumalot sa puso ko nang marinig ang kasunod niyang sinabi.

"S-sabi ni Bethany..." tanging nasaad ko bago yumuko. Nawala ang tapang sa akin at hindi ko man aminin, lumuwag ang pakiramdam ko.

"I could assure you that nothing's going on between us... and I'm sorry you had to witness that. Wala akong gusto o plano sa kanya. We're friends but if she wants to ruin us... I won't sit still."

Tumango lang ako at hindi na ulit tumingin sa kanya. Nanlalambot ako sa mga sinabi niya.

"Sol..."

"Hmm?" hindi humaharap na saad ko.

"Do you want me to stop?" He said it in such a gentle and sweet manner. It was as if he was trying to make me swoon.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at mahinang umiling. I gulped, trying to bring my heartbeat down to a bearable pace. Nakita ko ang pagtango niya nang marahan. Siguro nga'y mahal na mahal ko ang lalaki dahil nawala agad ang agam-agam sa puso ko.

"Now..." He sighed. "Why are you crying?"

"I just... remembered Nanay, Duke..."

Matapos sabihin iyon, tumayo na ako para makaiwas sa susunod niya pang mga tanong. I wanted to strangle Bethany for making me believe that they were together! Ang kaso, bakit naman ako naniwala? I even stopped him!

"Have you eaten?"

Tumango ako, medyo nakalayo na ako sa kanya pero alam kong kita niya iyon.

"Ikaw?" I nervously asked. "I can... cook."

"Really?" he asked, amused. Tumayo rin siya at dinaga ang puso ko nang lumapit ulit siya sa akin. Itinukod niya ang kamay sa sandalan ng upuan sa mesa at tumitig sa akin.

I raised my brow. "O-of course!"

"Okay... ipagluto mo ako, Solene."

Binasa ko ang pang-ibabang labi at nilabanan ang tingin niya. "Sa couch ka muna."

Akmang may sasabihin na ito nang pumasok sa bahay si Ate Ivy at dumiretso sa kusina.

"Nagdala ako ng pagkain ni Duke! 'Wag ka nang mag-abala, Sol."

Kita ko ang pagpikit ng lalaki at pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Palihim akong napangiti bago balingan si Ate Ivy.

"Salamat, Ate... uhh... tuloy tayo bukas sa South, ha? Gumagana pa naman ang oven dito."

She clasped her hands and smiled widely. "Oo! Gusto kong matikman ang ipinagmamalaki ng The Slice!"

Tumingin siya kay Duke na ngayon ay mukhang masama pa rin ang timpla pero dahil sa pagbaling ng matanda ay nagbigay ito ng maliit na ngiti.

"Thank you... Ate Ivy, sa pagkain."

Lumapit si Ate sa kanya at ipinaghila pa ng upuan. "Malayo ang pinanggalingan mo. Mabuti pa ay kumain ka na."

Humilig lang ako sa hamba ng pintuan ng kusina at pinanood kung paano maglagay ng pinggan at pagkain si Ate Ivy sa harap ni Duke.

"Bakit ka ba pumunta pa rito?" tanong ni Ate habang kumakain si Duke. Umupo siya sa harap nito at kita ko ang ilang sa mukha ng lalaki.

Sumulyap sa akin si Duke kaya napaayos ako ng tayo.

"Nag-aalala lang po kay Solene..."

Halos magkasabayan ang singhap namin ni Ate Ivy. She glanced at me as I bit my lower lip to suppress a smile.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon