Chapter 30

420 18 2
                                    

( Warning : Errors ahead )
Cole's POV

" Iwasan mo nga ang pagbuntot mo sa akin , nai-issue tayo eh " I told Keeyan dahil mula kahapon nang mag-umpisa ang pageant at hanggang ngayong araw na matapos ang Survival game ay hindi na ito umalis sa tabi ko . Maaga pa nga niya ako sinundo kanina .

Eto pa naman ang iniiwasan ko . Ang magkasama kaming mga kaibigan ko sa isang lugar tulad ng nangyari kahapon sa pageant .

Flashback

Lahat na ng tao ay nakalabas na ng gym at kasama na kami doon . Tahimik lang akong nakatayo katabi ni Keeyan habang siya ay abala sa pakikipag-usap kina Henri at Kristian . Nasa tabi naman ni Henri ang kapatid ni Kristian na babae at nasa likod nila si Crystal , bitbit si Hendery . Nalaman ko kasi kanina ang mga pangalan nila dahil sinabi sa akin Keeyan .

Hanggang ngayon ay hindi ko parin nalaman kung bakit nga ba kasama ni Crystal si Henri at baka siya rin ay nagtataka kung bakit magkasama kami ni Keeyan . Tahimik lang kaming nakatayo sa tabi at nagsusukatan ng tingin .

" Hahatid mo ako pauwi? " I interrupted Keeyan dahil wala naman akong gagawin . Mas mabuti pang umuwi ako kesa tumunganga dito sa tabi .

Napabaling naman ang intensiyon niya sa akin .

" Uuwi ka na? " he asked

Napakibit-balikat naman ako doon

" Wala naman akong gagawin dito . Pero ok lang kung hindi mo ako maihahatid , sumama ka nalang sa mga kaibigan mo . Mag co-commute nalang ako " I said and then gave him a faint smile

Natigilan naman siya doon at bahagyang nanlaki ang mata

" This is the first time , este second time pala na nag smile ka sa akin " hindi makapaniwalang sabi niya

I just rolled my eyes

" Ihahatid kita pero mamaya na . Mamamasyal muna tayo sa mga booth kasama sina Henri at Kristian " he added

I just nodded . Total wala naman akong gagawin .

End of Flashback

Kaya ayon ang nangyari samin . We visited some booths and had fun . Well maybe only the boys had fun . Awkward kasi kaming mga babae . Crystal is lucky dahil kasama niya ang kapatid ni Henri kaya may kausap siya . Nakita ko pa nga si Lee dumaan and gave us a meaningful look .

I came back to my senses when Keeyan answered me .

" I told you . Wala akong kilala masyado dito , only my friends . But they're quite busy . " he said habang naglalaro sa kaniyang cellphone . Ako naman ay patuloy sa pag-aayos ng ginamit namin kanina para sa mga sugatang contestants

" Kaya wala kang choice at sa akin ka pumupunta? " I asked him sarcastically

" Hindi naman . Gusto ko lang talagang makasama ka " He nonchalantly answered

Natigilan naman ako doon . Pero pinagpatuloy parin ang ginawa sa huli .

" May ball bukas " he said

" I know " I answered

" Pupunta ka ? " he asked and stopped playing at lumapit sa akin

I just shrugged

" Dunno " tipid kong sagot dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganiyan

" Pupunta ka . You'll be my date " ma awtoridad niyang sabi

Napataas naman ang kilay ko doon . Iyan din ang sinabi niya kahapon sa akin sa hospital .

The Six Gangster Princesses (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon