CHAPTER 32

141K 2.5K 222
                                    



Two months passed, mula ng madala si Sienna sa ospital ay hindi pa din ito nagigising. Abby and Gerald hired a private nurse for her. Hindi naman kase sila puwedeng nasa Maynila palagi. Abby need to be on her clinic to continue her duties as a doctor. As well Gerald who are the Vice Governor of San  Juaquin. The couple's kept private everything about Sienna, talagang pinakatatago-tago nila ang tungkol sa kalagayan nito lalo na si Gerald na halos araw-araw nakakasama si Eros sa Kapitolyo.



With the help of the ventilator, Sienna can still breathe with that equipment. Her case is very rare, the cardiologist that assign to her is also wondering why she still asleep after she passed out on the Airport. Her tummy is getting bigger, hindi na matatago ang pagbubuntis nito. Mabuti na lang din at maayos ang kalagayan ng bata sa sinapupunan nito kahit na malaki ang hinulog ng katawan ni Sienna.


While Eros is fucked up, he used to drink now and then. Nasuyod na ng mga tauhan niya ang buong probinsya maging ang mga karatig na bayan pero hindi pa din nakikita maski ang anino ng kanyang asawa. Wala na din siyang nagawa kung hindi ipaalam sa daddy ni Sienna ang nangyari. And like what he expected he recieved a hard punched from him. Well, he deserved it anyway. Wala siyang tinago na kuwento sa byenan, maski ang ginawa niyang pagkulong sa asawa ay kinuwento niya din. Sienna father warned him, na pag ito daw ang nakakita sa anak ay hinding-hindi na nito ibabalik sa kanya. And Eros is one hundred percent sure na gagawin ito ng matanda.


Jacinto Mansion..

"You should stop drinking Eros, this is not you anymore." saway ni Micheal. Eros friends visited him on his mansion. June and Oscar is also present. He lost count how many liquor he drinks since the morning.


"You don't understand pare. Masakit, bakit hindi ko siya mahanap? I need her, I need my wife." Eros is really drunk now, dalawa na nga ang tingin niya kay Micheal.


"You know the answer on your question, kaya wala ka dapat pagsisihan. Mas mabuti pa maligo ka at magpahinga. What if your wife go home? Nakakahiya kung aabutan ka niyang ganyan." Sabi ni Gerald na hindi na natutuwa sa itsura ni Eros.



"Kung gusto niya talagang umuwi matagal na dapat. It's been what?" sabay tungga ng hawak na alak. "Two months na pare, two months pero hindi ko pa din siya mahanap. Gano'n ba siya nasaktan sa ginawa ko sa kanya?" He threw the bottle on the walls. Ngayon lang naramdaman ni Eros ang ganito, alam niyang mali siya pero hindi ba siya kaya patawarin ng asawa? all he want is Sienna to come back on his life. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harap nito ay gagawin niya. The pain inside him is too much. Nasaan na ba kase ang asawa niya? Nasaan na?


It Sunday morning when Nanay Imelda went on Eros room. Binuksan ng matanda ang makapal na kurtina sa bintana, agad nagliwanag ang buong-silid. Pasado alas dyis na din kase ng umaga. Napakakalat sa loob ng kuwarto, ang daming nagkalat na bote ng alak sa sahig ang iba ay basag pa. Ilang linggo ng ganito ang itsura ng kuwarto. Naaawa na siya sa alaga niya, ang laki ng pinayat nito. Alam niyang sobrang nagsisisi ito sa nagawang kasalanan kay Sienna. Pero gano'n talaga ang buhay laging nasa huli ang pagsisisi.


"Eros," tapik ng Mayordoma sa balikat ng alaga. Nakahiga ito sa kama, anong oras na naman siguro ito natulog kagabi. Nandito kase ang mga kaibigan nito at dinalaw ito. "Gumising ka, nandiyan 'yong asawa ng Bise Gobernador gusto ka daw kausapin."




Naalimpungatan naman si Eros, his head is throbbing. Anong oras na ba siya natapos kagabi? And where he's friend? Nasilaw siya sa sikat ng araw mula sa bintana. D*mn! He need more sleep. "Inaantok pa po ako, pabalikin niyo na lang mamaya." Nagtakip pa siya ng comforter sa mukha.

"Naku, mahiya ka naman Eros. Kalahating oras na naghihintay si Abigail sa 'yo. Mukhang importante ang sadya, hala sige na bumangon ka na diyan."

Muli na namang inalog-alog si Eros ng Mayordoma. "Shit, ano ba ang ginagawa ng doktor na 'yon sa mansyon ko ng ganito ka aga? "Okay okay susunod na po ako sa ibaba." mukhang wala siyang choice kung hindi babain si Abby. Masasapak niya talaga si Gerald bukas, linggong-linggo inaabala ang pagpapahinga niya. Bakit hinayaan nitong puntahan siya ni Abby ng ganitong ka aga!


After a quick shower agad bumaba si Eros papunta sa living room ng mansyon. Mamaya na lang siya matutulog pag alis ng kanyang bwisita.



   "Akala ko hindi ka na magigising eh, kanina pa ako naghihintay san'yo dito." nakapameywang na sabi ni Abby sa kanya. Halatado din ang pagkainip sa mukha nito.

"Anong ginagawa mo dito? ang aga-aga nangangapit-bahay ka na." Naupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ni Abby. Masakit talaga ang ulo niya. Sinenyasan niya ang kasambahay na dalhan siya ng kape. Maybe coffee will help to ease his headache .

"Meron kang helicopter diba? puwede bang magamit papuntang Manila?" walang paliguy-ligoy na tanong ni Abigail.


"No." mabilis na sagot ni Eros. "Mahal ang gasolina."


"Sige na Eros." sabi naman ni Abigail. "Fully booked na lahat ng flight pa Maynila eh."

"Eh di bukas ka na lang lumuwas."

"Hindi nga puwede, kailangan ngayon na. At isa pa puwede bang samahan mo ako?"


"What? no way! manghihiram ka ng helicopter tapos magpapasama ka pa sa may-ari? nasaan ba ang asawa mo at ako ang pinuperwisyo mo ngayon ha?"


"He's taking care of our kids, sige na Eros I really need to go on Manila right now. May bibisitahin akong kaibigan. And she's very important to me."


"I don't care who's friend of yours you will visit in Manila but my answer is still No." mariing tanggi ni Eros.


"Tsk. ang damot mo talaga! kaya siguro hindi ka binabalikan ni Sienna kase ganyan ang ugali mo." inirapan pa ni Abigail si Eros sa sobrang inis. "Buti nga sa 'yo at hindi ka na binalikan. You deserve it! ang sama mo kase."


Muntik ng patulan ni Eros si Abigail kung hindi lang talaga  ito babae, at kung hindi lang din ito asawa ng kanyang kaibigan. This woman made his blood boiled in instant. "Shut up! sasamahan na kita, just don't say anything about my wife."

Napangiti naman ng malaki si Abby sa sagot ni Eros. She really knew his weakness.



Manila..

Eros felt uneasy after landing his chopper on one of his friend helipad in Manila. Ilang ulit niyang tinanong si Abby kung sino ba ang pupuntahan nila dito at bakit hindi kay Gerald na asawa nito nagpasama. Pero hindi ito umiimik simula pa kanina ng makasakay sila. He should resting now and ask of any update on his private investigator who are looking on his wife. Pero heto siya ngayon at nasa Maynila.


"What are we doing here?" kinalabit pa ni Eros ang nauunang naglalakad na si Abby. They are here on St. Lukes Hospital Taguig. Kinakabahan siya na hindi maintindihan. Para bang may mangyayari ngayong araw na kung ano pero hindi niya na lang pinansin. Pero ang gusto niya lang ngayon ay makauwi agad sa mansyon niya.








The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon