Chapter 2 : Vampires

45 31 64
                                    

"Ate pabili nga po!" Pangatlong ulit ko na 'toh. Konti na lang at papasukin ko na itong tindahan nila.

"Ano ba 'yan! May pinapanood ang tao eh!" nakasimangot na sambit ni Aling Nena, siya ang kapitbahay namin na may ari ng tindahang ito.

Nagtayo pa ng tindahan, tamad naman palang magtinda, lechugas!

"Pabili po akong pineapple juice," I said and smirked.

Padabog siyang kumuha ng pineapple juice sa loob ng refrigerator nila.

"Pabili po," a deep voice from someone.

Everything suddenly disappeared, all I can see right now is his angelic face. Nag slow motion ang paligid, miski pagkurap ng mata niya ay kitang-kita ko na. Tugtog na lang ang kulang, pasok na kami sa kdrama. Umepal lang si Aleng Nena na maharot.

"Oh ito na 'yong pineapple juice mo," mataray na sambit ni Aling Nena habang nakataas ang napakanipis niyang kilay.

"Ikaw, pogi? Anong bibilhin mo?" malanding tanong niya kay Percy, kadiri! Ang tanda na, humaharot pa!

Percy ignored her and looked at me. I looked at him too and blinked several times, hoping that I'll look cute in his eyes.

"I'm not a del monte pineapple juice drink but..." he said smoothly while holding my chin.

"B-but?" nauutal kong tanong.

Napakapafall mo naman Percy! Kainish ka! Enebe?!

"But I'm good for your heart." he whispered to my ear.

I frozed.

Did he really said that?

What's happening? Katapusan na ba ng mundo?

He looked at me again and winked. I blinked to stop myself from staring.

Ang yummy! Nisi-seseduce mo ba ako, huh? Kung oo, effective!

I punched him lightly on his shoulder, in a very pabebe way.

"Enebe yeng sinasabi mo Pershy!" I said, my face is now red as tomatoes.

He chuckled. He moved his face closer to mine.

Oh my gulay! Ito na ba? This is it pansit na ba? Ito na ba ang katuparan ng hiling ko tuwing gabi? Ito na ba ang kapalit ng isang daang barya na inihulog ko sa wishing well para humiling na mahalin niya rin ako? Oh my malunggay!

Ngumuso ako at mas lumapit sa kaniya. Hindi na uso ang pagpapakipot sa panahon ngayon, ang palay na ang lumalapit sa manok kaya grab the opportunity.

Konting - konti na lang at maglalapat na ang mga labi namin.

Malapit na.

Konting isod na lang.

Bilis na...

Ito na.

Yan na.

.
.
.

Malamig na tubig ang naramdaman ko imbes na mainit na halik ni Percy.

I jumped out of bed in shocked.

"Pa! Lulunurin mo ba 'ko?!" inis kong sigaw kay papa habang pinupunasan ang tubig sa mukha ko.

"Mas malala pa riyan ang gagawin ko sayo kapag nalate ka ulit ng gising. May pasok ka diba? Maligo ka na at kumain!" sambit ni papa habang nakapamewang.

The Blood Sucker (VS#1)Where stories live. Discover now