09 : Text

49.9K 2K 1.1K
                                    


IAN

Maraming nangyayari sa buhay ng isa tao. Everyone has their own struggles and traumas. As for me, I cannot do anything to get through it. Maliban kasi sa trauma ko sa pagkamatay ng nakababata kong kapatid ay mayroon ding isang pangyayari sa buhay ko na hanggang ngayon ay parang hinahabol ako. As it was happened yesterday.

Nangyari ito 10 years ago. Field trip ng school namin. Kasama ko si Aivan, ang bestfriend ko simula pa nang elementary. Sa totoo ay ayaw pa niyang sumama dahil hindi raw siya tumatagal sa sasakyan nang hindi nasusuka. Motion sickness. But I told him that Lyn would come to that fieldtrip. I know how much he liked that girl. Even I wanted to get close to her for some reason. Kaya ayon, sumama rin siya pagbanggit ko pa lang sa pangalan ng babaeng gusto niya.

Hindi naman ganu'n kaganda si Lyn pero maraming nagkakagusto sa kaniya. Malakas kasi ang appeal at marunong makisama sa lalaki. Ang akala nga ng ilan ay isa siyang Lesbian pero nagsusuot naman siya ng pangbabae kapag washday. Boyish lang talaga.

Everyone was having fun. Pinilit ako ni Aivan na sumakay ng bangka dahil nakita niyang sumakay si Lyn doon kasama ang mga kaibigan niya. Gusto ko naman siyang bigyan ng moment kasama ang crush niya kaya hindi ako sumama. Pinasuot ko na lang siya ng life vest kung sakali. Hindi kasi marunong kumangoy sa malalim. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumakay nang hindi ako kasama.

Umalis ako pagkatapos nilang makalayo. Maghahanap muna ng paglilibangan habang hinihintay ang pagbalik nina Aivan. Hindi ko aakalaing ang araw na iyon ay ang araw kung kailan huli ko siyang makakausap.

When I went back to the shore, ang daming taong nagkukumpulan kung saan ang pwesto namin. May ambulansya at ilang paramedics. Tumakbo ako patungo sa kanila. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. And I was right. I saw Aivan pulling inside the ambulance, unconscious. Mayroon pa siyang kasamang duguan at wala ring malay.

“A-Anong nangyayari?” tanong ko sa isang paramedic.

“May dinamita pala sa bangkang sinasakyan nila. Napagtripan ng isa sa mga estudeyante at aksidenteng sumabog sa mismong bangka. Maraming nalunod sa kanila dahil walang life vest.

Hindi na nila nagawang sagutin ang mga tanong ko nang magmadali silang umalis para isugod ang mga walang malay. Bumagsak naman ako sa buhangin dahil sa panghihina. Paano siya nalunod kung binigyan ko siya ng life vest?

“L-Lyn, okay ka na ba?”

Napatingin ako sa hindi kalayuan nang mapansin ang ilan sa mga kaklase ko kasama ang ilang medic. Tinitignan nila si Lyn at ang iba pa naming kaklase na nakaligtas sa bangka. Balot sila ng tuwalya at tila isang basang sisiw. Tumigil ang mata ko kay Lyn nang mapansin ang suot niyang life vest. She did not wear any earlier.

Isa lang ang pumasok sa isip ko nang mga araw na iyon. Aivan might survive from drowning . . . if he didn't save Lyn that day.

NAGISING AKO dahil sa tunog ng alarm. Napahawak ako sa ulo ko bago bumangon at patayin ang alarm.

Ugh! Hangover again.

Uminom ako kahapon dahil hindi ako makatulog. Gusto ko sanang makalimot pero hindi rin nakatulong.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang muling maalala ang mga panaginip ko. Nitong mga nakaraang araw ay parang napapadalas na ang pagbisita ni Aivan sa panaginip ko. Wala siyang ginagawa. Nagpapakita lang siya. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin ay bigla na lang siyang nawawala.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon