Chapter 9

3.3K 110 4
                                    

Xerra's POV

Matapos naming mag-usap ni kuya sa telepono ay agad kong sinundan at hinanap si Ram.

Natagpuan ko syang tahimik na nagmamasid sa dagat habang nakaupo sa ilalim nang puno nang niyog.

"Ram!" Tawag ko nang pangalan nya.

Gulat na napalingon sya sa akin at inayos ang kanyang sarili. I sat next to him.

Namumula ang tungkling nang kanyang ilong ganoon rin ang kanyang mga mata.

"Umiyak ka no?" Ani ko pero umiling sya.

"Bumalik ako kanina para yayaan kang magsnorkling kaso kausap mo naman yung kuya mo kaya umalis muna ako." Ani nya.

"It's a great thing anyway." Dagdag nya pa na mayroong ngiti sa labi.

Umakbay sya sa akin kaya isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Alam mo ba kung anong iniisip ko habang hinihintay kita rito?" Biglang tanong nya habang nakatingin sa dagat.

"Paano ko malalaman, hindi ko naman hawak ang pag-iisip mo." Natatawang sagot ko.

Natawa rin sya pero hindi iyon abot sa mata dahilan para makaramdama ako nang kaba.

"Itanong mo kung anong laman nang isip ko." Demanda nya na parang bata.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin?" Tanong ko.

"Mas maganda kasi yung ikaw ang magtanong." Sagot nya saka tumingin sa akin at ngumiti.

"Sige na nga! Ano bang nasa isip mo at talagang umiyak ka pa?" Tanong ko sa kanya na naiiling at medyo natatawa.

"Yun yung tumigil na ako sa kahibangan at palayain ka nalang nang tuluyan."

Nabura ang ngiti sa labi ko. Parang mayroong pumisil aa puso ko lalong lalo na at nakita ko ang pagiging seryoso sa kanyang mukha.

I should be happy right? I mean ito na yung gusto kong mangyari. Pero bakit nasasaktan na naman ako? Closure lang naman ang kailangan diba?

"Tama ka nga, nasasaktan natin pareho ang isa't isa dahil sa kahilingan ko." Naiiling na turan nya saka tinanaw ang malawak na asul na dagat.

"Parang nagkaroon na nang kapanatagan ang puso kong palayain ka na. Pwede naman kitang mahalin kahit hanggang tingin nalang ako." Natatawang turan nya sabay iling nang iling.

"Okay lang na ako ang masaktan keysa naman muli kitang saktan. Total kasalanan ko naman talaga ang lahat eh, karma ko na to." Ani nya pa.

"Kinausap ko si Enigo bago ka dumating. Nakisuyo akong ilakad yung divorcement papers natin sa family lawyer namin. I wanted it as soon as possible, sabi nung lawyer bigyan ko lang raw sya nang tatlong araw, matatapos na agad yun."

"Why are telling me this, Ram?" Bulong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin nya sa akin. He cupped cheeks saka dumungaw para halikan ang tungkling nang aking ilong na syang ikinapikit ko.

"In three days, you'll be free from me Xerra. Malaya ka na ulit. Malaya ka na sa kahapong sobrang sakit." Ani nya.

"Itanong mo sa akin kung bakit ako umiyak, Xerra." Dagdag nya pero umiling ako at napayuko.

Parang dinudurog sa sakit ang puso ko. Naiiyak ako! Why Ram?

"Ram naman eh." Pinipilit kong patatagin ang sarili ko. Pinilit kong magsalitang hindi ako pumipiyok, dahil mabilis na pagtulo nang mga luha mula sa aking mga mata.

"Psh, sige na nga. Magkukusa na nga." Ani nya pero umiling ako.

Pakiramdam ko ay mas lalong akong madudurog sa maaari nyang sabihin. Ayokong marinig ang rason nya kung bakit nya minamadali.

Akala ko ba dalawang linggo Ram? Mas lalo akong naguguluhan. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang pride ko ba o yung puso ko.

Tuluyan mo na bang nagiba ang pader sa puso ko Ram? O hindi mo iyon giniba at kusa kitang pinapasok sa puso ko dahil sa awa? Awa o dahil sa mahal parin kita?

Mahal parin ba kita Ram? Handa ba ang puso ko para mahalin ka? Pero papaano kita mamahalin kung hindi ko pa kayang patawarin ka?

"Look at me, Xerra." Bulong nya sa akin at pilit na inaangat ang tingin ko para magkasalubong ang aming nga mata.

"Ano ba yan, umiiyak ka na naman. Ganoon mo ba talaga ako ka disgusto para umiyak ka nalang na umiyak pagmagkasama tayo?"

Agad akong umiling. Hindi ko kayang ibuka ang labi ko para magsalita.

"Look at me baby. Please." Dahan-dahan kong iminulat ang aking nga mata at sinalubong ang kanya.

Ngumiti naman sya sa ginawa ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Ayokong marinig Ram." Pumipiyok na turan ko pero ngumiti lang sya.

"Kailangan mong marinig, Xerra. Unang hakbang na ito para sa closure na gusto mo. Mahal kita kaya ibibigay ko iyon sayo." Sabi nya kaya napahagulhol ako sa iyak.

"Kaya ako umiiyak kanina bago ka dumating ay dahil sinabi ko kay Enigo na tapusin na ang lahat. Tinanong nya ako, kung bakit biglang bibitawan kita gayong narito ka na sa akin at walang kawala." Pagkukwento nya.

Gusto kong takpan ang aking tainga. Ayokong marinig ang karugtong nnmg kanyang sasabihin!

"Simple lang yung sagot ko sa kanya. Mahal ko sya, ibibigay ko ang kalayaang gusto nya. Mas magiging masaya sya sa ibang taong mas mamahalin sya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Masaya na ako ilang taong naging asawa ko sya. Marahil ito na ang desisyon nang Dyos para sa aming dalawa." Mahabang turan nya kasabay nang pagtulo nang butil nang luha sa kanyang mga mata.

"Malaya ka na, mahal ko. Tandaan mo, dahil sa pagpapalaya kong ito ay malalasap mo ang kaligayahang hinding-hindi mo na nararamdaman pagkasama mo ako." Dagdag nya.

Nanginginig ang mga daliri ko. Unti-unti kong inangat ang kamay ko at pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi.

"Are you giving up, already Ram?" Nanginginig na tanong ko.

He lean his cheeks on my hand feeling the warmth.

"I am not giving up anything, Xerra. You never give a chance to fight in the first place." He said with a sad smile.

"I can give you one now, Ram. Mahal parin ata kita Ra-"

"Shhh."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang itapat nya ang kanyang daliri sa aking bibig.

"Hindi mo na ako mahal Xerra. Naawa ka lang sakin." Ani nya at hinalikan ako sa noo.

Akmang magsasalita ako pero sa tuwing gagawin ko ay hahalikan nya lang ako nang mariin sa labi.

Ram naman! Ba't ayaw mo namang maniwala sa akin?! Ram please don't give up on us! I am sorry for being selfish! Baby, please.

Yumakap ako nang mahigpit sa kanya at ganoon rin sya sa akin. He is gently caressing my back, slowly tucking me.

"Do you remember how we first met?" Biglang tanong nya.

"You are the most beautiful girl I met that day, but since I was having a bad day at school, I ended up being mean to you."

Napapikit ako nang biglang maalala ang aming unang engkwentro.

Alaala kung saan nakilala ko ang isang Rameses Ritz Sarce. Ang lalaking nagpatibok sa aking puso.

---------

Naiyak din ako habang sinusulat ito?. Wala na, bye bye na, ayaw na rin ni Ram. Iyak ?.

G'night guys?♥️. Sana magleave po kayo nang comments sa chapter na ito. Gusto ko pong marinig ang inyong sa loobin. ♥️

-AnjieLy

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang