CHAPTER 33

147K 2.9K 381
                                    



"Wait I have something to tell you first." Pigil ni Abby kay Eros ng nasa harap na sila ng kulay puting pintuan sa pinaka dulo ng hallway ng ospital, hinawakan niya pa ang braso nito.

"What?" Naka-kunot noo namang tanong ni Eros sa kanya.

"Don't freak out after we enter inside."


Why I should freak out kung hindi ko naman kilala ang pupuntahan namin? And besides he should not be here. Pasalamat nga ito at sinamahan niya pa dito sa Maynila eh. "Okay, basta bilisan natin, I really want to go home Abigail." Walang gatol na sabi ni Eros.



Abby turned the knob and went inside, nakasunod lang si Eros dito. Walang ibang tao sa loob ng kuwarto at tanging tunog mula sa kung anong aparato lang ang maririnig. Then Eros saw a woman laying on the hospital bed. Kinabahan siya bigla, napahinto siya sa paglalakad at hinayaang si Abby ang lumapit sa nakahigang pasyente. Hindi niya mawari ang nararamdaman pero parang kilala niya ang nakahiga doon. His heart kept beating so fast. And to make sure nilapitan na niya ang pasyenteng nakahiga doon.




"S-sienna." Parang tinakasan ng hininga si Eros ng mapag tanto kung sino ang nakahiga doon. His wife! His baby!




"Two months na siyang walang malay Eros, at 'yang apparatus na nasa tabi niya ang tanging tumutulong sa kanya para huminga." Malungkot na sabi ni Abigail.




Maingat na hinawakan ni Eros ang kamay ni Sienna. Malambot pa din 'yon katulad ng dati pero dahil siguro malamig sa loob ng silid kaya malamig din ang kamay nito. He want to cry, after so many days and weeks looking for his wife nandito na ito sa harap niya. Pero hindi ito ang inaasahan niya. His baby still have a beautiful face at alam niyang hindi 'yon magbabago. Pero ang makita ito sa ganitong sitwasyon ang hindi nya inaasahan. Pumayat ang asawa niya, ang laki ng hinulog ng katawan nito. Naka tubo ang bibig, naka suwero at walang malay ang Sienna na nasa harapan niya ngayon.

"Bakit hindi mo sinabi Abigail na alam mo kung nasaan siya? D-Did you helped her to escaped from me? Si Gerald? Alam niya din ba ito?" Baling ni Eros sa asawa ng kanyang kaibigan. Dahan-dahan naman itong tumango sa kanya, napahigpit tuloy ang hawak niya sa kamay ng asawa.





"Tinawagan niya ako matapos nyang makaalis sa mansyon mo. She asked me to helped her. Sinabi ko lahat sa asawa ko ang nangyari na kailangan ni Sienna ng tulong. So we did, we helped her to fly here in Manila." Abby said.




"Putangina!! Bakit Abby? Ikaw pa na asawa ng kaibigan ko! Bakit ikaw pa? Ang tagal kong hinanap si Sienna! At alam niyo na halos mabaliw na ako sa pagkawala niya tapos heto? Heto ang maaabutan ko. Malalaman ko na lang na alam niyo pala kung nasaan siya!" Hindi maiwasang magmura at magalit ni Eros, they are his friends for fucking sake specially Gerald. But they hide his wife from him.




"Wag mo ako sisihin at lalong-lalo na si Gerald. Dahil unang-una si Sienna ang humingi ng tulong sa akin. At tsaka Eros baka nakakalimutan mo hindi naman tatakas sa 'yo ang asawa mo kung hindi din dahil sa  yo! Noong araw na sinundo ko siya ang dami niyang pasa sa katawan at ang laki ng binagsak ng katawan niya. Doctor ako, Alam kong may mali sa kalusugan niya ng mga panahon na  yon." Sagot naman ni Abigail kay Eros.





"Pero tinago niyo pa din sa akin, ang daming oras na puwede mong sabihin sa akin kung nasaan siya pero hindi mo ginawa. I'm still her husband and I should know everything that's happening to her."





"Hindi ko kasalanan kung bakit nagka-ganyan ang asawa mo Eros dahil unang-una pa lang ikaw ang may kasalanan kung bakit nakahiga diyan si Sienna. You should know everything about her? Then what happened? Hindi mo nga siya nahanap diba." Sumbat pa ni Abigail.





The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon