11 : Day Three

50.4K 2.1K 141
                                    


AVALYN

 
Nagkaroon ako ng isang magandang panaginip. In that dream, I was surrounded by barnyard grasses that most resembles wheat in it thick stems. Hanggang baywang ko ang taas ng mga ito. Ang daming batang naglalaro dito ng tagu-taguan. Ang saya ng mga mukha nila. Parang musika sa tainga ang mga halakhak nila. May ilang bulaklak din na tumutubo rito. Napakaganda. Lalo na’t mukhang palubog na ang araw.

Nagulat ako nang may humawak ng kamay ko. Isang pamilyar na batan babae. Ngumiti siya sa akin at hinila sa dulo, palapit sa direksyon ng lumulubog na araw. Napaawang na lamang ang labi ko na kaming makaalis sa barnyard grasses. Ngayon ay tila nasa isang paarang golf area na kami. Ngayon ko lang napansin mas marami palang tao dito kaysa sa inaasahan ko. Pinapanood din ang paglubog ng araw.

Muli akong napatingin sa bata nang maramdamang nakahawak pa rin ito sa kamay ko. Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa akin. I smiled serenely and could not stop my tears from coming out.

“Lyn, tara na!” Pareho kaming napatingin sa batang tumawag sa akin—o sa batang kasama ko.

“Teka—” Pahabol ko nang bitawan niya ang kamay ko at muling lumapit sa mga kalaro niya.

I thought I could never see those smile in person . . . Ronnalyn.

Mas maganda nga talaga ang mga ngiti niya kaysa sa inaasahan ko.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang maramdaman ang pag-upo ng isang tao sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang high school student na lalaki sa harap ko. Pati ba naman dito?

“Sinusundan mo ba ako?” kunot-noong tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at tinaasan ng kilay.

“Kapal mo,” ngising pang-aasar niya. Pakiramdam ko ay uminit ang ulo ko sa sagot niya. Bigla akong nahiya.

“Tss. KJ. Hindi ba dapat ay guardian angel kita? Hindi ka dapat na nagsasalita ng ganiyan sa harap ko. Nakakahiya tuloy,” nakangusong saad ko. Napangiti kaming pareho bago umupo sa tabi niya.

“Patay na ba ako?” tanong ko makalipas ang ilang minuto ng katahimikan.

“No,” sagot niya. “Mukhang malakas pa ang puso mo.”

Tumingin siya sa akin hanggang mapadpad ang tingin niya sa dibdib ko. Napatingin naman ako dito nang mapansing nakatitig siya sa kwentas na bigay sa akin noong babae.

“Naisip mo na ba ang hiling mo?” untag pa niya. Natigilan ako sa tanong niya. Hiling? Ilang segundo akong tumitig sa kaniya bago nagawang tumango.

“Maghihintay ako.”
 
NAGISING AKO nang marinig ang pagbukas ng pintuan ngunit nanatiling pikit ang mga mata ko. Alam kong hindi sina mama dahil nagpaalam na sila sa akin noong umaga na aalis sila para i-meet ang isang importanteng tao. Sa dami ng yabag ng paang naririnig ko ay masasabi kong marami sila.

“Shh. Baka magising siya.”

“Teka lang, huwag kayong mag-unahan.”

“Shh. 'Wag maingay. Natutulog pa siya.”

Sari-saring ingay ang ang narinig ko mula sa loob ng silid ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Tama nga, ang hinala ko. Sina Hana.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon