Chapter 32: Pain of Past

109 85 0
                                    

'Pain of Past'

ALEXA

Ilang buwan narin ang nakalipas simula nung mag stay ako dito kila Mama, Ilang buwan narin ang nakalipas simula noong malaman ko ang tunay na sakit ko.

Simula din nung tumira ako dito sa bahay nila Mama ay hindi na ako lumalabas ng bahay ng hindi sila kasama o kaya naman walang kasama.

Kapag pupunta nga ako ng Mall o kaya sa parrlor lang ay lagi na akong may kasama, kadalasan yung yaya na kinuha nila Mama para sa'kin ang lagi kong kasama.

Nandito nga ako ngayon sa Mall kasama ang Yaya ko (Para tuloy akong isang bata, Hahaha) Pero medyo okay naman kasi kahit papaano ay close kami ni Yaya ng sobra.

Marami kasi akong balak bilhin ngayon sa mall, sapagkat malapit narin naman ang pasko, gusto kong ako ang maghanda ng kakainin namin nila Mama sa darating na Pasko.

"Yaya, Ano bang masarap na pwede lutuin sa Pasko? Yung iba naman wag na yung Spaghetti, Chicken, yung medyo lkakaiba naman" Maarte kong tanong kay Yaya

"Wala akong alam na mga Iba't ibang luto, pero alam mo Alexa wag mo dapat tanggalin yung Ham, kasi dapat laging meron nyan sa Pasko, alam mo naman yun diba? Paborito din naman yun nila Mama't Papa mo" Mahabang sabi nito sa'kin

"Sabagay!? Dapat nga naman lagi talagang may Ham, tradisyon na nating mga Pinoy yun at gaya nga rin ng sabi mo paborito talaga 'to nila Mama" Sabi ko sabay tumango ako sakanya

Inabot din kami ng ilang minuto sa pagbili ng kung ano-ano lang, kung ano yung magustuhan naming pagkain o bibilhin ni Yaya ay kinukuha nalang namin (gastadora si Ako, Hahaha)

Di na nga kami tumagal sa grocery store, agad din kaming lumabas at tumungo naman sa mga natipuhan kong mga damit, dinaanan lang kasi 'to namin kanina, mas inuna kasi naming mag grocery.

"Yaya, Maganda ba 'to?" Tanong ko dito sabay taas nitong damit na hawak hawak ko

"Maganda, bagay yan sayo, sukat mo kaya!?" Papuri nito sa'kin, sabay tinuro nya yung fitting room

Nginitian ko ito 'tsaka ako pumasok ng ftting room, hindi nga nagkamali si Yaya maganda 'tong damit sa'kin, saktong sakto rin, agad kong tinawag si Yaya para ipakita sakanya kung okay ba talaga sa akin itong damit.

"Yaya Halika" Pag-tawag ko dito, dali dali naman itong pumunta sa'kin

"Maganda diba?" Nakangiting sabi ko dito

"Oo, bagay na bagay talaga sayo, sabi ko na eh" Nakangiting pag sang-ayon niya sa'kin

"Oh sige, hubarin mo nayan at babayaran na natin, uuwi narin tayo" Pag-iiba ni yaya sa usapan namin

Dali-dali naman akong pumasok at nag-ayos, hinubad ko narin yung damit para mabayaran.

Agad din naming binayaran yung damit, matapos naming mabayaran ay lumabas na agad kami.

Hindi pa man kami nakaka layo kung saan kami bumili ng Damit ay may napansin akong isang pamilyar na tao, tinitigan ko ito ng mabuti, hindi nga ako nagka mali, Si CHESTER? Oo si Chester nga?

Nandito na sya sa Pilipinas? Kaylan pa?

Balak ko sana itong lapitan ng mapansin kong may kasama itong babae, and I think girlfriend nya ata yun.

Bigla nalang akong naluha, bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko, akala ko okay na'ko, pero bakit nasaktan ako, bakit nasasaktan ako? Ibig sabihin ba talaga nito wala ng pag-asang magka balikan pa kami?

"Alexa, Uyy anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" Takang tanong sa'kin ni Yaya

Yumuko lang ako 'tsaka pinunasan yung mga luha ko.

"Uyy anong nangyayari sayo?" Kabadong tanong ulit sakin ni Yaya,

"Wala po Yaya, uwi na tayo?" Pag-aya ko na dito sabay nauna na akong lumabas

Agad din namang sumunod sa'kin si Yaya palabas ng mall, dali-dali rin nitong linagay ang mga pinamili namin sa kotse, dito lang naman kasi sa labas yung kotse

Pagdating na pagdating namin sa bahay ay agad akong tumungo sa kwarto ko, gusto ko munang mag mokmok gusto ko rin munang mapag-isa.

"Nak?" Rinig kong tawag sa'kin ni Mama

"Anak buksan mo muna nga 'tong pinto, Plsss lang?" Sabi nitong muli sabay katok ng pinto

Gusto ko man mapag-isa pero palagay ko kaylangan ko si mama ngayon, kaya't pinag buksan ko agad din naman si Mama.

"Anong nangyayari sayo? Ba't ka nag momokmok? Anong bang problema?" Sunod sunod at nagtatakang tanong sa'kin ni Mama

Yinakap ko nalang ito imbis na sagutin siya, then umiyak na nga ako, ang sakit-sakit lang talaga ng nararamdaman ko ngayon.

"Bakit? Masakit nanaman ulo mo? Gusto mo dalhin kita sa Ospital?" Kabadong sabi nito sa'kin

"No Ma! Hindi po masakit ulo ko" Umiiyak na sabi ko kay Mama

"Bakit ka Umiiyak?" Tanong nito ulit

Hindi ko alam kung dapat ba talagang sabihin ko pa 'to kay Mama, but I think I should.

"Nakita ko po kasi ulit si Chester" Sabi ko sabay kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya

"Oh, mas mabuti nga para mag kaayos na kayong dalawa" Nakangiting sabi ni Mama

"No! His with someone, and I think girlfriend nya yun" Umiiyak na sabi ko dito

"Ahh! Ganun!?" Napa isip ito

"Kung totoo man na girlfriend niya yung babaeng yun o kung ano paman,  Ito lang ang maipapayo ko sayo bilang magulang mo, kung talagang mahal mo si Chester dapat ipaglaban mo talaga siya" Sabi ni Mama na ikinalakas ng loob ko

Natagil ako sa pag-iyak at bigla rin napa isip sa sinabi ni Mama.

"Ayokong sumira ng relasyon Ma" Seryosong sabi ko tas umayos kami ni Mama sa pagkaka upo

"Hindi ka naman sisira ng relasyon Anak, kukunin mo lang yung dapat na sayo, wag mong hayaang mapunta sa iba" Seryosong sabi rin ni Mama

Matapos niya yung sabihin ay tuluyan nyana akong iniwan sa kwarto.

Mukang totoo nga yung sinasabi ni Mama, wala naman akong sisiraing relasyon ng kung sinuman, kukunin ko lang naman talaga ang dapat na sa'kin.

Sana hindi pa huli ang pag pili kong ipaglaban kang muli Mr. Chester Diaz, sana maayos pa natin ang relasyon nating dalawa, magiging masaya pa tayong magkasama at magiging mag-asawa pa tayo.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now