14 : Day Five

52.1K 2.1K 236
                                    


AVALYN

Napabuntong hininga ako matapos kong i-send kay Ian ang message ko. Nakapagpasya na akong palayain siya. Gusto kong magpaalam sa kaniya sa huling pagkakataon.

I am supposed to be with them tomorrow. Lance told me first about the camping two weeks ago. But unfortunately, Lance texted me a while ago that I can't come with them. He just told me the truth, na may isasama si Ian na ibang babae. Lance is way too honest, isn't he?

I was the one who suggested the place. I've been there with my foster Parents once. Alam kong magugustuhan din nila doon. Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sa huli ay bumangon ako at nagtungo sa kabilang silid dala ang isa kong unan.

Agad namang napabangon sina Mama nang marinig ang pagbukas ng pintuan nila. Mabilis na tumayo si Mama at nagpunta sa akin.

"May masakit ba sa 'yo?" agad na bungad ni Mama. Halata sa mukha nilang kakatulog lang nila.

I know they were sleepless these past few days. Kunting galaw ko lang ay agad silang nagigising. Masyado silang takot na baka hindi na lang mamalayang hindi na tumitibok ang puso ko.

Mabilis ko siyang tinugon ng pag-iling.

"P-Pwede bang matulog sa tabi niyo?" naiilang na tanong ko. Nagulat naman sila sa tanong ko. Tumayo rin si Papa at lumapit sa amin.

"Sigurado ka?"

"Uh-hmm," tango ko.

"Pwede naman!"

Dinala nila ako sa kama nila, pinahiga sa gitna nila at sabay ipinatong ang braso nila sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit gusto kong matulog kasama sila. Gusto ko lang silang makasama ng matagal.

"Ma?" tanong ko.

"Hmm?" tanong niya. "Ano iyon, anak?"

"Gusto kong pumunta sa camping bukas," out of nowhere kong sabi. Agad naman silang bumangon dahil sa sinabi ko. Nagpalitan pa sila ng tingin bago muling tumingin sa akin.

"B-Bakit mo namang naisipan iyan?" tanong ni Mama.

"Lyn, bawal sa iyo ang mapagod. Pumunta na lang tayo kapag magaling ka na, hmm?" pangungumbinsi ni Mama.

Umiling ako sa kanila. "Magiging okay ako. Gusto ko lang kayong makasama. Kasama ng mga kaibigan ko. Gusto kong panoorin ang paglubog ng araw kasama kayo, manuod ng sine, pumunta sa amusement atsaka pumunta sa beach. Mag-road trip. Kahit saan, subukan natin lahat."

Kita ko ang mga lungkot sa mga mata nila. Iyon kasi ang pinangarap namin noon pero hindi naming nagawa dahil sa pagkawala nila. Pilit naman akong ngumiti bago nagpatuloy sa pagsasalita. ". . . Mga bagay na pangarap lang natin noon. Gusto kong gawin lahat ng iyon."

Nanginginig na ang labi ni Mama at pinipigilang umiyak. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa mga mata niya bago tumango sa akin.

"Sige, gawin natin iyo," aniya habang nakangiti sa kabila nang namamasa niyang mga mata. Kahit kailan ay napakaiyakin niya. Saan ba ako magmamana?

"I love you, ma, pa," bulong ko. Mahal na mahal ko kayo. Lagi niyong tatandaan iyan kahit wala na ako.

"I love you too, anak."

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon