Chapter 2

86 21 135
                                    

"Ma, aalis na po ako," pagpapaalam ko kay Mama.

"Pasensya ka na at hindi kita masasamahan," sabi ni Mama saka ako nginitian.

"Kaya ko naman ang sarili ko." Wala akong choice kundi kayanin.

I opened the gate and was about to call the tricycle passing by when my father called me.

"Oh, anak, aalis ka na?" tanong ni Papa.

"Yes, Pa. Mauna na ako."

"Buksan mong maigi 'yang gate. Ihahatid na kita. Magpapasada naman na ako."

After a while, my father drove the tricycle. I am going to our Municipal Sports Center to register for the upcoming election. As only a student, this is one of the things I can do for the moment—to register and to vote wisely. I don't want to miss this chance to change the situation of our country by practicing my suffrage. I am hoping that other youths who are qualified to vote in this upcoming election have registered.

Desperado na kung desperado pero sawang-sawa na ako sa pamamalakad ng maraming pulitiko. Ginagawa lang nilang tambayan ang mga opisina nila at biro ang pandemya gayung ang dami nang naperwisyo. Kailangan na nilang mawala sa puwesto. Sayang lang ang binabayad sa kanila ng taong bayan dahil pumapalya silang pagsilbihan ang kanilang mga nasasakupan, ibigay ang kailangan ng kanilang nasasakupan, at maging tapat na lingkod bayan.

"Matagal ba ang proseso?" tanong ni Papa. "Mukhang marami yatang nakapila ngayon, anak. Hintayin na lang kaya kita?" tanong ni Papa habang sumisilip sa loob.

"Hindi na, Pa. Kaya ko na. Magpasada na lang kayo."

"Baka bumulagta ka riyan, anak. Wala ka pa naming makakasamang kakilala mo."

"May mga upuan naman, Pa. Okay na 'yon na pangsuporta ko sa katawan ko kung sakaling sumpungin ako." Bumaba na ako sa sasakyan at kumaway kay Papa.

Pagpasok ko sa loob ay mas marami ngang tao. The good thing is people inside are following the safety measures. Nilapitan ko ang isang matanda na nakatayo sa gilid.

"Uncle, saan ditto banda magpaparegister?" tanong ko.

Itinuro niya ang katapat naming kwarto. "Mag-inquire ka na lang diyan sa may transparent window."

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa transaction window, pinapakiramdaman ang ibang mga tao lalo na 'yong mga nasa bench. Hindi ko alam kung pipila ba ako o kung may pila ba.

Pagkarating sa harap ng bintana ay in-assist ako ng isang staff. "Magpaparegister ka?" mahinahong tanong ni Ate.

"May pila pa po ba?" Nakakahiya kung nakisingit lang ako. Pare-pareho kami ng karapatan.

Tiningnan niya ang ibang tao. "Hindi na kailangan. Kanina pa tapos ang mga 'yan, tumambay lang." Pumindot siya sa computer at nagtanong, "Pangalan?"

I gave her my I.D. Mahirap na at baka hindi pa kami magkaintindihan lalo na't naka-mask at face shield ako.

"Maayos na ang record mo, ading. Hindi mo na kailangang magparegister ulit."

"Sure po kayo, Ate? There is no need to re-register?"

"Yup. Nakaregister ka naman na for the SK Election noong minor ka pa lang." Iniabot niya sa akin ang I.D. ko pabalik.

It's just 8:30 in the morning, and I am kind of lazy to go to our Rural Health Office and Police Station to process my papers for traveling. I went out of the Sports Center and sat on the bench in front. I noticed the tarpaulin hanging in the Sports Center. Puro mukha ng mga "honorable" Sangguniang Bayan.

SomniatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon