16

35 5 60
                                    



Carter's POV

Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad e' mayroon naman akong motor. Paano kasi, hiyang-hiya pa rin ako sa ginawa ko kay Doktora Zaniah na may hotdog sa noo.

Kilala ko kasi si nanay, talagang mawala na kaming dalawa na Jayson, huwag lang ang mga tupperware niya.

Aba! galing akong Japan tapos paano kapag hindi ako pinapasok ni nanay dahil hindi ko naiuwi ang tupperware niyang mahal?

Naalala ko dati, noong birthday ni Jayson, inutusan ako ni nanay na mag-abot ng pansit kay Aling Marites, nakalimutan kong kuhain ang tupperware kaya pag-uwi ako, kumalabog na ang pinto at sa labas ako nagtanghalian.

Kaya ngayon, natuto na ako pero nakakahiya talaga! Pakiramdam ko nabawasan ng 10% ang pagkalalaki ko dahil sa ginawa ko. Ano nalang ang sasabihin ng bilyonaryang 'yon?

Na isa akong dakilang hampaslupa na hindi maka-get over sa tupperware?

"Carting?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Inay, hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay habang akay ang bag at hawak ang manibela ng motor. Simula sa hospital, hindi ko 'to pinaandar at nilakad lang hanggang sa makauwi.

Ewan ko ba, lumilipad isip ko dahil sa tupperware na 'to.

"Halika pumasok kana at kanina ka pa hinahanap ni Jayjay." Tumango ako sa kaniya at inayos ng parada ang motor bago pumasok sa loob.

Inilapag ko ang bag sa lamesa at tahimik na tinanggal ang sapatos ko.

"Ilalabas ko lang ang mga labahan mo para maaga ko 'yang masimulan bukas. May flight ka ba?"

"Mayroon po, bukas po."

"Ah sige, lalabhan ko nalang 'yang uniform mo mamayang gabi at i-dryer para matu—"

"Hindi na, 'nay. May extra pa naman akong uniform sa kwarto namin don gabi na magpahinga ka nalang po."

Napangiti siya sa sinabi ko at sinuklian ko rin siya, ayaw kong napapagod si nanay dahil sa gawaing bahay. Kung kaya ko na gusto ko siya naman ang magpahinga at ibibigay ko sa kaniya ang buhay na nararapat sa kaniya.

Bumalik si nanay sa pagkalkal ng bag ko at bahagyang natigilan.

Tumingin ako kay nanay at lalo siyang nagtaka nang makita ang laman ng bag ko. Itinaas niya ang laman nito at matalim na tumingin sa'kin.

Yari na...

"Bakit mo dala-dala ang tupperware na pinaglagyan ko ng mercedes?" Mahinahon niyang tanong na may halong pag-aalangan

"Kasi nay..."

Napakamot nalang ako ng batok at mabilis pa sa alas kuwatro na lumipad ang damit ko sa gwapo kong mukha. Sinasabi ko na nga ba, maling desisyon nanaman!

"Carting! Bata ka! Nakakahiya kay doktora!"

Sigaw niyang sabi at halos mapalimos siya ng mukha sa sobrang hiya. Aba malay ko ba! Tupperware lang naman 'yan, hindi naman siguro manggagalaiti si Doktora d'yan. Yaman yaman e.

"Malay ko ba, mamaya hindi mo nanaman ako papasukin kapag hindi ko naiuwi 'yang tupperware mo."

Alam kong sobrang nakakahiya, aminado naman ako, pero siguro idadaan ko nalang sa dahilan. Mapagaan man lang loob ko kahit kaunti, letseng tupperware kasi 'yan e.

Milliseconds Of DoomWhere stories live. Discover now