Chapter 3: My Teacher

32 26 41
                                    

We're currently inside the haunted house kineme.

Kung paano ako napunta rito?

Kagagawan lang naman po ng bestfriend ko na mapaniwalain. Niyaya kasi siya ng kaklase naming si  Lorna, she's a nerdy girl from our class, may suot siyang salamin at palaging may hawak na librong itim. Ang chismis ay nakakakita at nakakausap daw ni Lorna ang mga multo. Ang creepy diba? Kaya hindi ako nakikipag-usap sa kaniya eh, baka mamaya may ituro sa likuran ko, nakakatakot. Pero who knows if that's real. Hindi ko nga sure kung may multo ba talaga o imbento lang 'yon ng mga tao para manakot.

So 'yon na nga, nakijoin si Trixie sa ghost hunting nina Lorna at iba kong mga kaklase, isinama  niya pa talaga 'ko. Nakauniform pa kami dahil kakaawas lang namin, wala namang assignment kaya okay lang kung gabihin kami sa pag-uwi.

Madadaanan ang haunted house na 'toh bago makarating sa school namin, medyo malayo pero kaya namang lakarin, kung hindi ka tamad.

Trixie is currently holding my arm, her eyes are tightly closed and I can hear  that she's praying.

"May pagsama ka pa rito, duwag ka naman pala." I said while smirking.

"Nakakatakot naman talaga eh, ang dilim kaya tapos puro babae pa tayo," she whispered.

I removed her hand on my arm and I walked away from her, to teased her.

She quickly ran towards me.

"Huwag mo 'kong iwan!" she said, almost crying.

I laughed.

"Naniniwala ka sa multo? Seriously?" I asked and laughed again.

She looked so scared. Wala pa nga kaming nararamdamang kababalaghan, takot na takot na kaagad siya.

"Guys, be quiet. Baka may magambala tayong masamang espirito," bulong ni Lorna.

May hawak siyang kandila at rosaryo.

Honestly, she looks so weird.

"Whatever." I whispered and rolled my eyes.

'Kalokohan'

We walked around.

But suddenly...

I was surprised when some of my classmates shouted.

"Hala!" sigaw ni Trixie at nagtago sa likuran ko.

Sina Claire, Sandra at Anne ay takot na takot na tumatakbo papalapit sa'min.

"B-bakit?" tanong ni Trixie at mas hihigpitan pa ang kapit sa braso ko.

"Ang sakit!" sambit ko pero hindi naman niya 'ko pinansin.

"M-may..may nar-rinig kaming kumalabog s-sa may taas. Tapos parang may tum-makbo sa li-kuran nam-min," kwento sa'min ni Sandra habang kinakagat ang kuko niya, may sa daga ata ang isang 'to.

"Huwag tayong maghiwa-hiwalay," sambit ni Lorna.

Para kaming tanga na sumusunod sa kaniya. Nakapila pa talaga, parang ulaga.

Ano 'toh? Follow the leader?

I don't know how many times I rolled my eyes because of this stupid ghost hunting.

Umakyat si Lorna sa taas. "Kung sino mang kaluluwang naririto, magparamdam ka sa'min. Tutulungan ka namin." Sambit niya habang inililibot ang kandila at paningin sa paligid.

The Blood Sucker (VS#1)Where stories live. Discover now