CHAPTER 42

178 4 0
                                    

                                Chapter 42
                   Hellianna Devillian Hertz

Napangisi ako nalang ako ng malakas niya akong sinapak sa pisnge, tumaas ang gilid ng labi ko, habang tahimik na nakatingin sa kanila. Marahas nilang tinanggal ang pagkakatali ng kadena sa aking kamay tsaka ako tinulak kaya bumaksak ako sa lupa, Hindi kasi nila tinanggal ang tali na nasa paa ko.

"Eto na ang katapusan mo Hell Queen! Pagkatapos nito mapupunta ka na sa imperno"

"Pero syempre mauuna ka" gamit ang dalawang kamay ko binuhat ko ang aking sarili at pinatid sila sa paa ko, malakas kong kinalag ang kadena sa paa ko at pinaulanan sila ng sundok. Dahil sa ingay nagsipasok na sa loob maging ang mga kasamahan nilang nagbabantay sa labas kinuha ko ang baril na nasa pantalon nung isang lalaki na nasa gilid ko tsaka binaril ang ulo ng lalaking kumausap sakin kanina, susugod sana sila sakin ng paikot kong hinagis sa kanila ang baril at nakangising nagtaas ng dalawang kamay bilang tanda na sumusuko na ko at hindi ako lalaban "Easy lang mga bulldog, Hindi ako lalaban. Pinauna ko lang sa imperno ang isa nyong kasamahan, masyado kasing excited" natitigilan silang nagtinginan bago nila tinapat sakin ang mga hawak nilang baril

"Dumapa ka!" Utos nung leader nilang bulldog, napairap nalang ako

"Duh? Bakit pa ko dadapa kung pede nyo naman akong itali ng nakatayo? Mga wala talagang utak tsk" Sasagot pa sana sila ng tumunog ang cellphone ng leader nilang bulldog

"Yes, Empress?" Matagal-tagal bago natapos ang pag-uusap nila at wala akong paki doon, tiningnan niya muli ako at umirap. Sus kalalaking tao ang hilig umirap bakla ata toh eh tsk. "Hoy! Kayong dalawa bumaba na kayo at ihanda ang sasakyan, kayo namang lima dalian niyo at itali na yang bruhang yan at yung iba bumalik na kayo sa kanya kanya nyong gawain. Bilisan niyo at ako ang napapagalitan ni Empress!" Utos niya sa mga kasamahan niya habang dinuduro-duro pa kung sino ang mga gagawa nung utos niya. Lumapit na yung lima sakin kaya tinaas ko na ang dalawa kong kamay para naman di na sila mahirapan, ako na mag-aadjust para sa bobo nilang Empress.

Nang nakuntento na sila sa higpit ng pagkakatali ng kadena sa kamay ko ay muli na naman nila akong tinulak para maglakad, hinawakan pa ako ng dalawang lalaki sa magkabilang balikay. Nandidiri naman akong lumayo at umiwas "Kaya ko maglakad mag-isa" napairap nalang ako at nauna nang maglakad sa kanila. Pagdating sa van, agad nila akong pinaupo sa gitnang bangko, kumuha na naman sila ng panibagong kadena at itinali ito sa bewang ko habang ang dulo nito ay tinali nila sa may bangko.

Mabilis nilang pinaandar ang sasakyan. Nang makarating kami sa lumang building. Agad nilang tinanggal ang kadena sa beywang ko at patulak akong pinalabas ng Van. May dalawa pang tauhan nila ang nakaabang sa amin, hinawakan nila ako a magkabilang braso at pwersahang kinaladkad. Masakit na ren ang buong katawan ko dahil araw-araw nila akong pinupuntahan sa kwarto para bugbugin.

Pagpasok sa loob dumaretso kami sa dulo at bumaba ng hagdan, Sumakay kami sa Isang elevator at agad nilang pinundot ang ground floor. Luma at kinakalawang ang itsura ng elevator sa labas pero ang loob nito ay malinis at gawa sa ginto, may kalatura din'g nakalagay sa labas na sira ang elevator. Hindi kasi pedeng malaman ng nga ordinaryong tao na may underground. Kapag baguhan ka palang sa gang kadalasan ay piniringan ang kanilang mata para hindi nila makita ang daan papasok dahil isa itongmalaking sikreto, na kapag binunyag mo hindi lang Buhay mo-kundi Buhay ng buong pamilya mo ang mamatay.

Bumukas na ang elevator, rinig na rinig agad ang ingay ng sigawan sa loob. Nasa Ground Stage si Megan, nakasuot ito ng Maskara na may nakaukit na bulaklak, Nang napalingon siya sa akin agad siyang ngumise, biglang tumahimik ang buong paligid. Lahat sila ay gulat nakatingin sa akin, maya-maya pa ay nagsimula na silang magbulungan. Hindi na ko nagulat dahil inaasahan ko na ito. Puno ako ng pasa at sugat, nababalot na ren sa tuyong dugo ang buo kong suot. Malamang hindi sila makapaniwala sa nangyare dahil simula nung araw na naging Gangster Queen ako ay walang nakakatalo sakin pero eto ako ngayon puno ng sugat, bubog sarado dahil marumi sila maglaro. Hinagis nila ako papasok sa Grand Stage napadaing ako sa sakit, malamang bumuka na naman ang sugat ko sa tagiliran.

Lumapit saakin si Megan at mahigpit na hinawakan ang buhok ko, pinatingala niya ako. Nakangise siya sa akin "Sobrang tagal kong hinintay na dumating ang araw na 'to Hell, Angsarap sa pakiramdam na natalo na kita" Mahina akong natawa sa sinabi niya. Muling tumahimik ang paligid ng lumakas ang tawa ko "Anong nakakatawa?! Hindi ka na ba makapaghintay na mamatay ha?!" Nanggagalaite nyang sigaw at tinuhod ang mukha ko. Mariin akong napapikit sa sakit at napadura nalang ako ng dugo.

"Ako? Natalo mo? Nagpapatawa ka ba? Kailanman hindi mo ko natalo at hinding-hindi mo ako matatalo alam kong alam mo yun Megan. Kaya nga ginamit mo ang kapatid ko panlaban sa akin eh" mas lalo pa kong napangise ng makita ang naiinis niyang mukha. Inis niyang hinatak ang buhok ko at kinaladkad ako papunta sa gitna ng stage.

"Ito na ang oras! Sabihin mo na sa kanila ng lahat ang pagkatalo mo!"

"Why do I need to announce it? You know the rules, Megan" natigilan siya at napaiwas ng tingin sa akin. Isa sa mga rules dito sa arena ay kailangan mo patayin ang Gangster Queen bago mo ito mapapalitan sa pwesto. Dahil hanggat hindi pa patay ang Gangster Queen hindi mo ito mapapalitan. Nanghihina man ay pinilit kong lumuhod ng maayos sa stage napalingon siya sa akin dahil sa ginawa ko. "What are you waiting for? Eto na leeg ko oh.." Nakangisi kong saad habang tagilid na nakatingala sa kanya, Mas lalo ko pang itinagilid ang ulo ko dahilan para mas lalong lumantad ang leeg ko "Bunutin mo na yang katana mo at pugutan mo na ako ng ulo para makuha mo na ang kapangyarihan na hinahangad mo" Napayuko at mariin na pumikit ako ng marinig ko ang pagbunot niya ng kanyang katana. Kung ito lang ang paraan para matahimik siya at mapatawad ako, Sige gawin na niya ang gusto niya. Napakunot ang noo ko ng lumipas ang ilang minuto pero wala pareng nangyayare, idinilat ko ang mata ko at muling tumingala. Napatingin kay Megan, Nakatapat na sa akin ang katana niya ngunit nanginginig ang kamay nya at may luhang namumuo sa gilid ng mata niya, mariin siyang pumikit at paulit-ulit na lumunok. Lihim akong napangise naduduwag sa gitna ng laban eh?

Bahagya siyang nagulat ng makita akong nakatingin sa kanya, nanginginig ang labi niya at pilit pinipigilan ang sariling luha. "Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na ko ng matapos na ko, pagod na rin ako Megan. Kaya mabuti pang tapusin na natin 'to. Hindi ka naman titigil hanggat walang namamatay satin'g dalawa diba?" Seryoso kong sambit, huminga siya ng malalim at pumikit, itinaas niya muli ang hawak na katana at mabilis na isasaksak sa akin ngunit bago pa ito tumama sa akin ay nahati ang katana at tumalsik ang kalahati nito.

Gulat at natigilan ako sa nangyare dahil sa gulat, lumingon ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang bumaril sa katana ni Megan, maging si Megan ay naistatwa dahil alam niya ang pedeng mangyare. Dahil may nangialam sa labanan na nangyayare sa Grand Stage at isa lang ang ibig sabihin nito. Patayan. Nagkagulo ang buong Arena lahat ng Gangster ang mabilis na nagtayuan at naglabasan ng kanya-kanyang sandata.

Dahil may lumabag sa ikaapat na rule ng Underground.

****

Don't forget to vote! Please penge ren feedback HAHAHAHA Ngayon lang sinipag sorryyyyyy

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon