CHAPTER 7

67 4 0
                                        

Its exactly 9:00 ng gabi ng makarating ako sa apartment ko dahil medyo may kalayuan ito sa condo ni Eunice.

Buong akala ko umuwi na si Tristan pero nagulat ako ng makitang nakapark pa din sa tapat ng building ng apartment ko ang sasakyan niya.

"Bakit nandito pa siya?" ani ko pa sa sarili.

Kaagad kong tiningnan ang loob ng sasakyan niya para sabihan na umuwi na. Pero wala akong nakita.

"Asan yun?" ani ko pa sinilip ko pati back seat niya baka nakatulog pero wala akong nakita. Kaya nagdesisyon nalang akong umakyat na sa apartment ko.

Pagkarating ko don laking gulat kong may taong nakaupo sa tapat ng pinto ko. Kaya dali dali akong tumakbo papalapit don.

"Tristan?Huuy bakit dito ka natulog?" agad na ani ko ng makumpirmang si Tristan nga iyon.

"Hinintay kita, bakit ang tagal mo?" agad na sambit niya sabay tayo sa pagkakaupo nya sa sahig.

"Sabi ko nga diba? Hinatid ko si Eunice sa condo niya e matraffic and remember malayo place ni Eunice" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Agad niyang binigay sa akin ang isang pulang supot at bulaklak na nasa likuran niya.

" Happy 2nd Monthsary hon, sorry nalanta na ata yang bulaklak antagal mo kasi surprise kasi dapat yan" malambing niyang sambit sakin.

Habang ako parang gusto ng magpalamon sa lupa at maglaho, nawala sa isipan ko na Monthsary pala namin today

"Sorry hon, nawala sa isip ko na now pala. Sorry. Subrang busy kasi kanina. Sorry sorry hon babawi ako sayo promise" buong pagmamakaawa ko.

Pero ngumiti lang siya at agad akong niyakap ng mahigpit.

" Mahalin mo lang ako, sapat na sakin yun" ani niya habang nakayakap sakin matapos ay hinalikan ako sa noo.

Hindi ko alam pero parang ang sama sama ko, gusto kong tumbasan yung ginagawa niya pero hindi ko alam paano.

Tinitigan ko siya sa mata, gusto ko siyang mahalin, gusto kong matutunan na mahalin siya , yung pagmamahal na deserve niya.

Ngumiti ako sa kanya and out of a sudden my mouth utters "Thank you" instead of " I love you".

" You dont have to say thank you hon, so uuwi na ako " agad na sambit niya napayuko nalang ako at bahagyang tumango tango bilang sagot ko sa kanya.

"Again happy monthsary hon, goodnight and I love you" 

" Happy mon-- dito ka na matulog---gabi na "nauutal na sambit ko.

At kitang kita ko sa muka niya ang saya matapos kong sabihin yun sa kanya.

"Ano?Pakiulit?" 

"I said dito ka nalang matulog--gabi na malayo pa byahe mo if uuwi ka pa ngayon" pagliliwanag ko.

At wala pang isang segundo, nakaakbay na siya sa akin habang ako hinahanap ang susi ng apartment ko.

First time niyang makikita ang apartment ko after 7 years of friendship , ito pa ang pinakaunang makikita niya ang apartment ko.

Nakita kong agad niyang inikot ang mga mata niya sa buong apartment ko.

"Ang ganda pala ng apartment mo hon, napakacomfortable" ani niya sakin.

" Yes, subra. Teka kukuha muna ako ng tubig" ani ko at kaagad na dumiretso sa kusina.

Mula sa kinaroroonan ko nakita kong umupo siya sa sofa at muling pinagmasdan ang buong apartment.

US  사랑의 숨겨진 기억Where stories live. Discover now