Prologue

2.3K 77 25
                                    

Art Like Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Art Like Scars

•••

Hindi ko mawari kung paano nila nasisikmura; kung paano n'ya nga ba nasikmura.

Para akong kakainin ng ingay, ng tawa ng mga taong akala ko kakilala ko na. Ngayon ko lang naitanong sa sarili ko kung bakit wala ni isa sa kanila na nandirito ang hindi nag-isip na magdalawang tingin sa kanya. Hindi ako nasasaktan dahil wala s'ya, pero nasasaktan akong isipin na ngayon n'ya lang naisipang umalis sa lugar na pilit nananakit sa kan'ya.

Tila lalong lumiliit ang espasyo sa canteen, pakiramdam ko ay ako na lamang ang nag-iisa. Siguro, ganito ang nararamdaman n'ya kada araw na kumakain s'yang mag-isa.

Kasabay ng pagkuyom ng aking palad ay doon ko naalala ang hawak-hawak ko kanina pa. Mula sa palad ko ang regalo n'ya no'ng kaarawan ko, isang pulseras na tanging gawa n'ya na may asul na bato sa gitna—Lapis Lazuli, iyon raw ang ginamit n'yang bato dahil doon n'ya ako naalala.

"That means the truth, you remind me of the truth."

Umalingawngaw ang wika n'ya sa'kin. Nagpapaalala na gusto ko ulit marinig ang kan'yang tinig.

Bakit hindi ko napansin nang mas maaga?

Bakit nag-alangan akong tanungin s'ya?

Bakit naduwag ako na malaman noong una?

Nasaan na kaya s'ya?

Nagising ako sa mga katanungan nang tumunog ang bell sa canteen, nagpapaalala na ako na lang pala ang natitira mag-isa, at nagsibalikan na ang ibang estudyante sa kani-kanilang klase. Naramdaman ko na siguro ganito ang pakiramdam n'ya sa araw-araw—tanging nag-iisa s'ya.

Hindi ko gustong gumalaw sa kinauupuan ko, lahat ng bakit ay lalong pumasok sa isipan ko. Pero paano? Paano nakakayanan ng lahat na nawawala si Jean?

Kahit gaano pa katindi ang kagustuhan kong hanapin s'ya, nararamdaman ko na ayaw n'yang magpahanap. Iniwan n'ya na ang lugar na 'to para sa mas makakabuti at hindi na s'ya kailan pa man babalik.

Sa mga bukas na kakaharapin ng mga tao sa Dumangan ay wala ng Jean, at mukhang tanging ako lang ang makakaala sa kan'ya at sa katotohanang matagal n'yang pilit na itinago.

•••

Art Like ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon