Chapter 14

711K 16.2K 5.5K
                                    

Chapter 14

[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

"Eat up."

"Tsk. Ayaw."

I took a deep breath, "Could you just eat, Gatorade?"

"Ayoko nga e!" Napaurong ako nung biglang tumalikod sakin si Gatorade at nagtalukbong ng kumot. I tried to control my temper. Konting konti nalang talaga! Kumbaga sa BINGO, nasa G na!

Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan, Gab! Kaya mo yan! Hoo! Unti pang pasensya. Hooo! *Breathes in* *Breathes out!* Inilapag ko 'yung bowl sa side table at lumabas ng kwarto. Hindi ko kayang magtimpi kung makikita ko ang asul na 'yun. Pasaway! Matigas ang ulo! Yan ba ang ugali niya pag may lagnat?

 Di na ako nagtataka. Nung una kami nagkita, yan na talaga ang impression ko sa kanya. Bahala siya! Pake ko ba kung ayaw niyang kumain! Bahala siya. Nakakainis lang kasi dapat hindi na lang ako nag-effort para ipagluto siya!

Kalma lang, Gab. Kalma lang!

Pero jeez, nakakainit talaga ng ulo e!

"Nakaka-argh!" With all my might, sinipa ko 'yung sofa. At... "Ah-aray!"

Kung hindi nga naman ako tanga. Stupid move, Gab. Very.

Bakit ba kami nagaaway? Hay ewan ko ba. Nung nasa school pa naman kami, okay pa kami e. Tapos napagusapan namin yung about sa hindi ko pagsabi na wala akong last subject e alam ko naman daw na sinusundo niya ako at sabay kaming uuwi.

Eh siya naman ang may kasalanan di ba kung bakit ako tumakas! Di ba di ba? May pa-epek epek pa siyang mag-tent sa labas ng apartment namin para lang mabantayan ako. Eh siya na nga mismong may sabing ‘harmless’ si Nikki, the psycho ex!

Tapos oo, naiinis ako sa kanya dahil nagsinungaling siya dun sa Nurse na may pasok pa siya! Alam nang masama ang pakiramdam niya, ako pa rin ang iniisip! Pano nalang kung may masamang mangyare sa kanya? Eh di aawayin lang ako ng malakas kong konsensya!

Agh, this is really frustrating. Nakakainis din ako e. Kahit alam kong may reason naman si Gatorade at valid naman lahat yun. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapaka-close minded ngayon!

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon