" Ma.Andrea Kang, your director. Di mo kailangan lumuhod hindi ako diyos" madiin na sambit ko sabay kuha sa dalawa niyang kamay at pinatayo ito.
At matapos ay ngumiti ng bahagya.
" Get yourself ready,pipirma na tayo ng kontrata" ani ko sa kanya sabay ayos ng kwelyo niya matapos ay naunang pumasok sa office ni Boss.
Kitang kita ko sa muka ni Sophiah at nung babae yung pagkabigla sa ginawa kong pag-ayos sa kwelyo nung lalaki.
Hindi ko din alam kong bakit ko ginawa yun, to intimidate si lalaki o para sabihin na wag ako? Ewan!
Maya maya din ay pumasok na sila.
"Magkakaayos din naman pala kayo, o siya sige magpirmahan na tayo baka lumuwang pa turnilyo niyo e mag-iba na naman desisyon niyo" ani ni Boss.
At isa isa ng binigay ni Boss ang kontrata at naunang pumirma ang kapatid ni Sophiah, kitang kita ko ang kilig sa muka ni Sophiah sa mga oras na yun.
Nang matapos ay binigyan pa ng thumbs up sign ni Sophiah ang kapatid niya, kasunod non ay ang babae na makakatambal niya ata.
At habang pumipirma ang babae nakita kong palihim akong tinitingnan ng lalaki nung una di ko pinansin baka namalik mata ako pero nung nahuli ko at ngumiti, ngumiti nalang din ako.
"Pasalamat ka sa kapatid mo kung hindi nako!" ani ko sa sarili habang pilit na ngumiti pabalik sa kanya.
Matapos pumirma ang babae agad na pumalakpak si Boss na siyang dahilan para magulat ako at mapapalakpak na din kahit di ko alam kung bakit.
" Congratulations Sophiah, tuloy na tuloy na ang series mo. Thank you for accepting my rather our offer Mr. Chris and Ms. Stephanie for being a main cast for this series. Sana walang aberyang mangyari-- tulad kanina" ani pa ni Boss at matapos ay isa isa na niyang kinamayan sila.
Habang ako tumayo na din para makipagkamay sa kanilang dalawa.
"So, how should I call you Ms?" ani ko sa babae na unang nakipagkamay sa akin.
"Just call me, Stef direk. I'm so excited to work with you" aniya sabay ang yakap niya sa akin.
Kasunod niya ay ang lalaking nakayukong dahan dahan na lumalapit sa akin.
" How should I call you? Antipatiko?" pabiro kong sambit sa kanya.
" Grabe ka naman sakin, Just call me 911 and I'll be there este Chris, pwede din Jin" aniya sabay lahad ng kamay niya na agad ko namang tinalima.
" Okay 911 este Chris looking forward to see how you act" ani ko sabay tingin na parang kinikilatis siya.
" Looking forward to work with you too--" aniya sabay akmang yayakap sakin kaya dali dali akong napahakbang patalikod para ilayo ang katawan ko.
" At bakit ka yayakap?Shake hands is enough" agad na ani ko.
" Ay akala ko ganon, kasi ganon ginawa ni love e,ginaya ko lang. Baka maoffend ka di kita niyakap di joke lang friendly hug lang uy" ani niya agad naman akong napatingin kay boss na tumango tango din na parang sinasabi na magpayakap ako.
"Direk ganyan talaga yan , masanay ka na. Kaya minahal ko yan kasi subrang bubbly" agad na sabat ni Stef.
Agad namang lumingon sa kanya si Chris sabay tapat ng hintuturo niyang daliri sa labi niya.
" Shhh love naman sinabi mo, privacy natin yun e" pabirong sambit ni Chris sabay kindat dito.
Habang ako subrang naiilang sa kinikilos nila, paobvious masyado.
" Ano friendly hug lang naman, dont worry di lang ikaw ang direktor na niyakap ko" ani niya then spread his arms.
Napakunot noo ako kasi I never hugged any actors I worked before. Never din ako nakakita ng actor na yayakapin ang director niya. If ganon madami na siguro akong nayakap.
I only hugged two man in my life una is nung bata ako na ako and pangalawa is si Tristan.
Ilang minuto ko pinag-isipan and I ended up walking slowly towards him and suddenly spread my arms to hugged him.
But why I feel something strange?
It feels like kami lang dalawa sa silid na yun.
It feels like I was longing for that kind of hug?
Ilang segundo palang ang yakap ay kaagad akong kumalas at dali daling inayos ang damit ko na di naman nagusot at nag-ayos ng buhok.
"I---I think that's okay" nautal kong sambit sa kanya.
" I'll just contact all of you kapag nagstart na ang shooting" dagdag ko pa.
At matapos ay tumango sila bilang pagsang-ayon nila at ilang segundo ay sabay na lumabas ng office ni Boss.
"See you soon Direk" pagpapaalam ni Sophiah sakin habang ang dalawa ay kumaway habang nakangiti sa akin.
Napabuntong hininga ako ng tuluyan ng sumirado ang pinto. Na alam kong napansin ni Boss.
" Is everything alright Ms. Andrea?" agad na pagtatanong ni Boss sakin.
"I'm okay boss, medyo nahihirapan lang huminga" ani ko which is totoo naman, nagpapalpitate ako for not knowing the reason.
Pinilit kong pakalmahin sarili ko bago lumabas ng office ni Boss. At maya maya din medyo nabawasan naman kaya dahan dahan na akong tumayo at nagpaalam para umalis na.
" Got to go boss. Hahanap pa ako ng mag-aassist sakin para sa shooting" pagpapaalam ko sa kanya.
" Okay, you sure that your okay na?" pagtatanong pa ni Boss sakin na tango lang ang tinugon ko at matapos ay lumabas na din sa loob ng office niya.
Hinawakan ko ang dibdib ko pagkalabas na pagkalabas ko sa office ni Boss. Subrang tagal na since I remember na nagpalpitate ako.
" Maybe I need to see my doctor" ani ko nalang sa sarili.
Matapos ay agad akong pumunta sa workstation ko to look for someone na pwede ko gawing assistant since di pwede si Eunice.
Pagkarating ko sa table tambak agad ang mga papers.
"Ano to?Napakadami naman" agad na pagrereklamo ko. Habang isa isang binubuklat ang mga papel na iyon.
" I know your looking for an Assistant , and pwedeng pwede ako. Basta ikaw" agad na sambit ng nasa likuran ko.
Kaya kaagad akong napalingon sa kanya.
" Ikaw na naman, no! Ayoko!" agad na sambit ko sa kanya
" Mas mabuting ako nalang mag-isa " dagdag ko pa.
Napakibit balikat siya at tumayo ng maayos.
" I contacted already some of the available actors and actress na walang shows. Nagpaready na rin ako ng studio for audition if ever, I already contacted some acting workshops. So No pa din ba? Okay" ani niya sabay talikod sa akin.
" Ipapacancel ko nalang sila" dagdag pa niya.
" No, dont cancel them. This time its a Yes Sean"
YOU ARE READING
US 사랑의 숨겨진 기억
FanfictionWhat can you give in the name of love? Can you give up everything for love? Will you fight or just give up? Ma. Andrea Kang, Chris Jin Ko, Tristan Lee, and Stephanie Tan. Four people with different perspectives on what true love really means. As th...
