Kabanata 27

48.5K 2.4K 1K
                                    

Kabanata 27

I checked my travelling bag and my purse first at nang masiguradong wala na akong kulang at maiiwan ay inilapag ko na iyon sa sofa.

I took a last glance at my face and brushed my hair on the side, hinagod ko rin ang long sleeves na blouse ko at inayos ng pag-tuck sa loob ng slacks ko at nang makuntento ay napangiti.

Inilagay ko ang hand bag sa may siko ko at dinala ang travelling bag sa kamay, chineck ko muna kung may naiwan akong nakasaksak bago lumabas sa loob ng unit ko.

My eyes widen when I saw Atlas leaning on the wall in front of my door. Napaayos siya kaagad ng tayo nang makita akong palabas kaya ngumiti ako.

"Good morning, ang aga, ah?" I greeted.

"Good morning, bibi..." he smiled, habang nila-lock ko ang pintuan ng unit ay kaagad na nawala ang travelling bag sa kamay ko dahil kinuha ni Atlas.

Napangiti ako nang akbayan niya ako habang nag-aantay. He even gave me a quick kiss at the side of my head.

"Nasarado mo na ang unit mo?" I asked and he hummed, nagkatinginan kami at napangiti ako nang marahang inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Yes, ganda." He chuckled and my heart jumped while looking at his face. Nag-init ang pisngi ko nang medyo tumagal ang titig ko sa kanyang mukha at nahuli niya ako kaya kumindat.

"Alam ko namang gwapo ako, Lia—"

"Ang hangin naman, Doc!" I pinched his cheek, natatawang ngumisi siya at pinisil ang pisngi ko.

"Bakit, hindi ba gwapo ang boyfriend mo?" he raised his brow and stared at me. Napatitig naman ako sa kanya at tumaas ang kilay.

I touched his cheek at nagpa-gwapo naman lalo ang loko, nanliliit pa ang mata at tumitig sa akin na para bang nang-aakit.

"Uhm..." I started, gusto manga mining gwapo naman talaga siya pero nang-aasar kasi ang itsura niya na magsasabi ako ng oo.

"Uhm?" he even wiggled his brows.

"Hmm, pwede na rin." I flashed a soft smile.

Nawala ang ngisi niya, he immediately glared at me kaya napahagalpak na ako ng tawa at mabilis na humalik sa kanyang pisngi.

"Joke lang, bibi. Uhm, ano...gwapo ka naman talaga." I smiled shyly.

I saw his cheeks flushed, ngumuso siya at tinaasan pa ako ng kilay para kunwari ay 'di nangingiti.

"Tss, s'werte mo love kita." Aniya at ngumiti rin pagkaraan kaya nagtawanan kami.

He took my hand, slowly putting it near his lips to give it a quick kiss before filling the gaps in between my fingers with his. Sabay kaming naglakad papunta sa elevator.

"Si Heart?" I asked.

"Nasa baba na, excited ata." Tawa niya kaya tumango ako at napangiti. He pressed the elevator at nang makapasok kami ay muli siyang nagsalita.

"How's your sleep, bibi?" he asked kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Great, you?" I asked and he lowered his head and quickly stole a kiss.

Nanlaki ang mata ko, mas ngumisi siya at inilapit ako sa kanyang katawan.

"A bit tired because of last night's duty but turned great just now," aniya kaya napanguso na ako at lihim na napangiti.

"Ikaw talaga..." I muttered and he chuckled, kissed my head at mula sa kamay ko ay umangat ang braso niya sa balikat ko para makaakbay.

Bumukas ang elevator dahil may mga sasakay. I saw the group of loud girls laughing outside pero nang makapasok sa elevator at mabaling sa may amin ay natahimik.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon