Chapter 12

3.1K 86 4
                                    

[FLASHBACK]

Xerra's POV

Kanina pa ako nakatulala habang hinihintay si Mang Rink ang family driver nang pamilyang Sarce. Sya kasi yung maghahatid sa akin sa paaralan. Hindi ako bumaba para kumain, hinatiran lang ako ni Nanay Enay. Hindi talaga ako lumabas sa kwarto, lumabas nalang ako nang matunugan kong umalis na si Sir Ram sa mansyon.

Gosh! Ni hindi ko alam kung paano ko haharapin pa si Sir! Ang dami-dami ba naman kasi kagagahan sa mundo, yun pa talaga ang pinagsasabi ko! Naku naman ano nalang ang sasabihin ngayon ni Sir tungkol sa akin? Tyak na mas magsusungit iyon!

"Xerra halika ka naiha at baka malate ka pa sa unang pasok mo sa eskwela"

Nabalik lang ako sa katinuan nung marinig ko si Mang Rink. I sighed, si Sir Ram na ata ang nagpopollute nang utak ko eh.

Pumasok ako sa mini van, agad namang nagmaneho si Mang Rink.

Ang alam ko lang ay sa isang private school ako pinasok ng mag-asawang Sarce. Tatapusin ko lang ang isang taon na to, college na agad ako. Excited na ako sa bago kong school!

'Nay at Tay, tutuparin ko po ang pangako at pangarap kosa buhay. Gabayan nyo po ako dyan. Mahal na mahal at miss na miss ko kayo.'

Isa talagang hulog ng langit ang mag-asawang Sarce, parehong mababait. Sumimangot ako nung sumulpot na naman si Sir Ram sa utak ko.

Syet naman oh.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagmuni-muni habang nakaatingin sa labas ng bintana keyso sa isipin yung kagagahan ko kay Sir Ram.

"NANDITO na tayo, iha." Agad kong bumaba sa van.

"Salamat po." Sabi ko. Kumaway ako kay Mang Rink hanggang sa nawala ang sasakyan sa paningin.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa gate ng school. Hanggang beywang lang yun pero may guard na nakabantay.

"Ang gara naman." Bulong ko bago nagsimulang maglakad palapit sa gate.

"Hoy"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa gilid ko.

"Ba't ang tagal mo?"

Literal na napatalon ako sa gulat, namilog ang mga mata at nageskandalosa agad ang puso ko.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang ingay mo." He grunted.

Sir Ram is standing beside me. Oo, in fucking flesh!

Nakasuot sya nang kulay puting polo na bukas ang mga butones kaya kita ang kulay puti nyang t-shirt sa loob. Nakasabit sa kaliwang balikat yun bag nya na kulay maroon nyang bag at nakasiksik naman sa bulsa ang isang kamay nya.

Ay litse?! Ba't ang gwapo gwapo nya sa paningin ko?!

I heard him tsked bago hinila ako, I mean hinila nya yung bag ko kaya paatras akong naglalakad.

Aba! Kapupuri ko lang ah! Binabawi ko na!

"Ano ba yan?! Bitawan mo nga ang bag ko nang makapaglakad ako nang maayos!" Reklamo ko. Binitawan nya naman agad. I glared at him.

"Ano bang ginagawa mo rito Sir ha?" Inis na tanong ko.

"I'm studying here, so shut up."

Napatingin ako sa school seal nang kanyang uniform, pareho nga kami nang school seal pero yung sa kanya ay kulay asul sa akin naman ay kulay pink.

Imbes na tataguan ko tong lalaking to, kung panahon ba naman ang hindi makisama!

"Let's go, wala akong balak ma late sa klase." Sabi nya at nauna ng maglakad. Speaking of which.

"Ba't nandito ka ha? Diba kanina ka pa umalis ng bahay?" Tanong ko.

"Yeah, so I can fucking process your papers."

Papers? School papers?

"Here." Kinuha ko naman yung inabot nya sa akin. School ID yun na may pangalan ag picture ko. Hindi ko na tinanong pa kung saan galing yung picture ko. Sinuot ko na lang.

"Ihahatid kita sa classroom mo kaya bilisan mong maglakad. Malayo pa rito ang college department." Sabi nya.

"Kaya ko namang hanapin yung classroom ko sir. Kaya mauna ka na." Pagtataboy ko. Joke lang, wag ganoon, sinabihan lang ganoon.

He frowned bago tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako. Anong meron?

"Don't call me that." He said making ME frown. Anong pinagsasabi nito?

"Call you what?" Balik ko.

"Sir." Seryosong turan nya na ikinatawa ko.

"Bakit naman? Totoo naman ah! Anak ka ng amo ko kaya sir ang itatawag ko sayo, o baka naman mas gusto mong tawagin kitang Senyorito, tulad ng pagtawag nina Nanay Enay sayo." Panunukso ko pa na mas lalong ikinasama ng mukha nya.

"Whatever." He grumpily told me before walking at a fast pace, hinabol ko tuloy sya. Buti naman at wala naman palang problema sa kanya yung nangyrai kahapon. Hindi ko na sya iiwasan hayst. Mabuti nga at hindi nya binigdeal yung kagabi.

Malawak masyado ang paaralan. Napapansin ko na rin iba iba ang mga damit ng estudyante. Mayroong pink, blue at green.

Pumasok kami sa isang malakastilyong paaralan. Hindi sa exage pero ang laki nya talaga at pang medieval period ang disenyo.

Tung kasama ko naman ay walang imik lang ihahatid ako sa classroom. Tama nga ang sabi ni nanay Enay na hindi ito pala salita masyado. Basta matapos lang ang isang usapan ay agad na tatahimik. Well, hindi ko naman kasi sya tinatanong pa.

At mas lalong ayaw ko syang kausapin at baka irapan lang lang ako at supladuhan. Haistt basta talaga sa lalaking to ay marami akong napapansin. Bakit ba kasi ganoon? Iba rin ang pakiramdam ko sa tuwing kausap ko kasama ko lang ang kulugong to. Maramdaman ko lang na nasa malapit ang presensya nya ay nagwawala na agad ang puso ko, part ba to nang pagdadalaga? Ay anu ba yan?

"This will be your classroom"

Tumigil kami sa isang malaking wooden door na may nakalagay na N203 Fourth.

"Salamat sa paghatid, Ram." Sabi ko, I saw a glint in his eyes and the side of his lips thug in a smile making me blush. Litse! Mas may ikakagwapo pa pala tong kulugong to pagnakangiti!

"I love it more when you say my name. Say it more often."

Inirapan ko nalang sya kasi grabe na talaga yung pamumula ko. Feel ko kahit ilong ko ay pulang-pula na rin. Hasyt anu ba yan.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay sa beywang ko at maamoy ang isang napakabangong amoy! O gosh!

Why is this kulugo is freaking back hugging me?

"Umayos ka dyan sa loob, Franina. Malay mo, baka puso ko na talaga yung ibibigay ko sayo."

-------------------------------

3 OUT OF 3. 3 more updates to gooooooo. See you ulit mamaya. Love you guys,

-Anjie_Ly

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon