15 - The Bully & the Innocent

1K 83 46
                                    

15 - The Bully & the Innocent



"Damn, I'm the innocent one." Napapailing na bulong ni Arkin sa sarili. Hindi niya din maiwasang mapangisi sa gitna ng mga kasama niyang may kanya-kanyang pinag-uusapan. Maging ang dalawang pulis ay nag-uusap ng masinsinan. "I'm the innocent one, huh? Tsk tsk."



"T-Tang... ina mo..." Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ni Harold na nakadapa nanaman sa sahig. Pilit niyang nililingon ang binatang nakaupo nanaman sa kanyang likuran ngunit sa dami ng tinamong pasa at sugat ay nahihirapan na siyang kumilos.



"Alright. We have to go." Tumayo si Felicity sa gitna ng lahat at inilibot ang tingin sa mga kabataan.



"Lalabas na tayo?" Kunot ang noong tanong ni Paul. "How about Ally and Noah?"



Seryosong nilingon ng babaeng pulis ang binata. "We'll find them. Officer Sarmiento and I will."



"What?" Kunot ang noong tanong ni Kingsley.



"Ilalabas ko kayong lahat dito at kapag nakasiguro na tayong wala na kayo sa kapahamakan, babalik kami para tulungan 'yong dalawa."



"So, we're abandoning them?" Magkasalubong din ang mga kilay na tanong ni Hailey. "Who knows what will happen to those two habang lumalabas tayo? Ganito din ang naging usapan habang hinihintay natin si Allysa na makalabas sa Louie's Hall kanina. And I don't think our decision will change."



Tumango ang dating Student Council President. "We're not splitting."



"Magkakahiwalay na kayo." Madiin na paalala ni Felicity. "Wala tayong ideya kung nasaan ang dalawang 'yon."



"That's why we'll find them." Tila naiinis na ding sabi ni Vince. "Geez. It's a simple one plus one, why are you making it complicated?"



"Mas mapapahamak kayong lahat kung susundin natin ang gusto niyo." Argumento pa ng babaeng pulis.



"Then are you saying that we're gonna sacrifice those two?" Hindi nagbabago ang tono ni Vince. "Because that's how it sounds to me."



Napahugot si Felicity ng isang malalim na hininga. Seryoso siyang nakipagtitigan sa binata. "Mas hindi ko isasakripisyo ang siyam na buhay para sa dalawa."



Bumakas ang magkahalong dismayado at hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Vince. "You're really sacrificing those two?"



"What?!" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Paul.



"Does the police really trade the lives of civilians?" Sarkastikong tanong pa ni Hailey.



Bumuka ang mga labi ni Felicity para magpaliwanag ngunit isang kamay ang naramdaman niya sa kanyang balikat. Nakita niya ang parehong dismayadong ekspresyon sa mga mata ni Arkin.



"Wala tayong isasakripisyo, officer."



Muling bumuntong hininga ang babaeng pulis. "Arki--"



Umalingawngaw ang malakas na tili nina Hailey, Ella at Lia noong muling namatay ang ilaw. Agad namang naging alerto ang iba pa.



"You seem to have forgotten about me."



Sa gitna ng kadiliman, nanindig ang balahibo ng mga kabataan dahil sa kakaibang galit na mararamdaman mula sa tono ng pananalita ng boses na nagmumula sa speaker.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon