01 : The Last Day | SC1

62.1K 1.9K 439
                                    


THIRD PERSON

Humawak si Lyn sa railings matapos niyang makarating sa rooftop ng bahay nila. Hawak-hawak ang maliit na kulay asul na bote na may maliit na papel sa loob nito. Dahan-dahan niyang inamoy ang malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon.

Muli siyang napatingin sa boteng hawak niya bago niya ito ibato sa kung saan.

"I wish I could grant Ian's wish," she whispered.

Ilang saglit pa ay idinilat niya ang mga mata niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Ito na lang ang kaya niyang gawin para sa binata.

"You finally wished."

Mabilis siyang napalingon kung saan nagmula ang boses. Ramdam niya ang sayang namumuo sa dibdib niya. Lalo na nang muling marinig ang boses ng misteryosong binata.

"Uh-hmm," tagon niya.

Muling sumibol ang lamig ng hangin. Sumabay ang mahaba niyang buhok sa nagsasayaw na hangin.

After a few seconds, a warmth smile escaped from his lips.

----

After operation [Day Six]

Mabilis na napatayo sina Diane at Philip matapos lumabas ang mga doctor sa operation room. Mahigit anim na oras ang itinagal ng operation.

"D-Doc, kamusta po ang anak ko?" mabilis na tanong ni Diane.

Ngumiti naman sa kaniya ang punong doctor bago hinawakan ang kamay ng ginang.

"Huwag na kayong mabahala. Maayos na tinanggap ng anak ninyo ang bagong puso niya," saad ng doctor.

"Salamat, doc. Utang namin sa inyo ang buhay ng anak namin," naiiyak na pagpapasalamat ni Philip.

Niyakap ni Philip ang asawa bago nito ilabas ang natitirang luha sa mga mata nila.

Masaya namang ngumiti si Fatima mula sa kalayuan nang marinig ang balita. Ngunit sa kabila nito ay ang lungkot sapagkat wala na ang nakababata niyang kapatid.

Agad siyang tumalikod at umalis para ilabas ang lahat ng nagpapabigat sa dibdib niya.

Nagtungo siya sa rooftop ng ospital. Napahawak sa railings at doon humagulgol.

"A-Aivan, sana ay masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Mahal na mahal ka ni A-Ate. Ngayon ay magagawa mo nang magpahinga."

Ilang minuto siyang umiiyak hanggang maramdaman niya ang malamig na hanging bumalot sa kaniya dahilan para matigilan siya.

"Thank you..."

"Aivan!"

Napatingin siya sa buong paligid ngunit walang tao sa buong paligid maliban sa kaniya.

Pinunasan niya ang mga pisngi niya bago napangiti. She knew from that moment... Aivan hugged her to silently say his goodbye.

----

Tumatakbo si Hana patungo sa ICU para tignan ang kalagayan ni Lyn. Matapos niyang marinig ang balitang naging matagumpay ang operasyon kay Lyn ay mabilis siyang nagtungo sa hospital. Kasalukuyan pa siyang nasa simbahan noon para manalangin na makaligtas si Lyn sa operasyon.

"T-Tita..." sambit ni Hana nang makita ang ina ni Lyn kasama ang asawa nito na pinapanood ang natutulog na anak sa loob ng intensive care unit para obserbahan ito sa loob ng ilang araw.

Mabilis na niyakap ni Hana si Diane saka nilabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Okay na daw siya kaya't huwag ka nang umiyak," pagpapakalma ni Diane. Hinaplos naman ni Philip ang likod ng dalaga para patahanin.

Ilang saglit pa ay tumingin sila kung saan mahimbing na natutulog si Lyn. Hinawakan ni Hana ang gawa sa salaming pader. Kitang kita nito si Lyn sa loob na napapalibutan ng kung ano-anong makina.

"Hang on there," ani Hana.

----

The day after the operation [Day Seven]

12:16 PM.

Nagkagulo ang lahat nang biglang tumunog ng mabilis ang vital sign monitor ni Lyn.

"Turn on the AED now!"

"Yes, doc!"

Mabilis sa alas kwatrong ginawa ng bawat isa ang gawain nila. Agad na tinanggal ng doctor ang pagkakabutones sa suot ni Lyn. Kinuha ang gagamitin nilang electric shock.

Sa kabilang banda ay natataranta naman ang mga magulang ni Lyn habang pinapanood ang nangyayari sa loob kung nasaan si Lyn.

"A-Anong nangyayari?" tanong ni Diane sa nurse na nagmamadaling pumasok sa loob.

"Hindi po normal ang pagtibok ng puso niya! Ma'am, maiwan ko muna kayo!" bulalas ng nurse saka mabilis na na pumasok sa loob para tumulong.

"Ready to shock! Stand clear!"

Pinindot ng doctor ang shock button bago nilagay sa dibdib ni Lyn.

"Stand clear! Clear!"

Tatlong beses nila itong ginawa ngunit sa halip na bumalik sa normal na pagtibok ang puso ni Lyn ay tila mas lalo pa itong humihina hanggang maging isang guhit na lang ang vital signs monitor niya.

Tinanggal ng doctor ang gown niya at mabilis na pumatong sa katawan ng dalaga. Ipinatong ang dalawa niyang kamay sa dibdib nito bago sinimulang i-pump. Umaasang maliligtas niya ito sa pamamagitan ng CPR. Ngunit ilang minuto na ang lumilipas at wala pa ring sign na bumabalik ang tibok ng puso ng dalaga.

"D-Doc..." naiiyak na sambit ng isa sa mga nurse.

Nanghihina namang tumigil ang doctor sa pag-pump sa dibdib ni Lyn. Rinig nila ang nakakabinging ingay ng VSM ng dalaga. Tanda na wala na itong buhay. Hindi na nga muling bumalik ang tibok ng puso ni Lyn.

Umalis ang doctor mula sa ibabaw ni Lyn bago tumingin sa orasan.

"Avalyn Manahan. Time of death, 12:45 PM."

Bakas ang lungkot sa mukha ng lahat nang lumabas sila sa silid. Nanghihina namang sinalubong sila ng mga magulang ni Lyn.

"D-Doc, anong nangyayari?!"

Bagsak ang balikat ng doctor na tumingin sa mag-asawa.

"I-I'm sorry. We did everything we can. Nakikiramay po ako."

Bumagsak si Diane matapos kumpirmahing wala na nga si Lyn.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon