02 : A New Beginning | SC2

74.7K 2.8K 1.6K
                                    

A/N: Huwag laktawan ang pagbabasa, para 'di magtanong kung sino ang Lyn na nandito. Nasa narrate na ang paliwanag.

Please note that this chapter is only a special chapter and not part of the main story. Nag-end ang story na to sa final chapter which is chapter 23 ng book na ito. Ginawa ko lang ito for some closure? Parang ganu'n.

Anyway, Happy Reading!
________
--

THIRD PERSON

"Lyn, pupunta ka ba sa Lolo mo?" tanong ng kaibigan ni Lyn sa kaniya.

"Oo, kailangan eh," tugon ni Lyn.

"Alam mo ba? Pansin ko ang gwapo ng Lolo mo. Kahit matanda na ay kapansin-pansin pa rin. Sayang lang at tumanda siyang binata. Pero mas sayang kasi hindi ako pinanganak ng maaga--"

"Loko 'to!" Natatawang putol ni Lyn. Hinampas ang kaibigan dahil sa kalokohan nito.

"Pero seryoso? Bakit tumanda siyang binata?" muling tanong ulit ng kaibigan niya.

"Mahabang kwento. Basta ang alam ko ay na-broken siya noong namatay ang first girlfriend niya which is his first love tapos hindi na siya ulit nagmahal," tugon ni Lyn.

"Oh gosh! Nakakalungkot naman. Kung ganu'n iyong girlfriend lang niya ang minahal niya?"

Agad na tumango si Lyn bilang tugon.

"Ang loyal niya ah!"

Natawa na lamang si Lyn bago nagpaalam sa kaibigan nang makarating siya sa bahay ng Lolo Ian niya.

Malapit siya sa Lolo niya. Sa katunayan ay ito ang nagpangalan sa kaniya.

Avalyn Mae Andrada.

Apo siya ni Jayzam, anak ng foster parents at kapatid ni Ian. Tuwing weekends ay pumupunta siya sa bahay ng Lolo niyang si Ian para bisitahin ito. Mag-isa lang kasi ito sa buhay ngunit hindi man lang mababakas sa mukha nito ang lungkot. Laging masigla ang Lolo niya kahit mag-isa lang siyang naninirahan sa isang maliit na bahay.

"Sige na, dito na ako," paalam ni Lyn.

"Ikamusta mo na lang ako sa Lolo mo."

"Sige."

Nang makaalis na ang kaibigan ay saka lang siya pumasok sa loob ng pamamahay ng Lolo niya.

Nadatnan niya sa loob ang lolo niya, dinidiligan ang mga halaman niya.

"Lolo!" masayang bulalas ni Lyn. Nagagalak namang tumingin sa kaniya ang Lolo niya.

"Lyn! Apo! Sabi ko na nga ba at darating ka dito," nagagalak na saad ng matanda.

"Sabi ko naman sa inyo, dadalawin ko kayo tuwing weekend."

Naglakad ang lolo niya patungo sa bench at pinanood ang paglubog ng araw mula sa kinauupuan nito. Nagpatayo kasi ang lolo niya ng bahay sa isang mataas na lugar kung saan makikita niya ang paglubog ng araw. Sa hindi malamang dahilan ay gustong gusto nito ang panuorin ang paglubog nito.

Napangiti naman si Lyn at umupo sa tabi ng Lolo niya.

"Bakit po pala ang hilig niyong panuorin ang paglubog ng araw?" tanong niya. Kita naman niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng lolo niya.

"Naalala ko kasi ang nobya ko noon sa tuwing pinapanood ko."

Nalungkot siya sa narinig.

"Hindi ka po ba nalulungkot sa tuwing naaalala niyo siya?"

Umiling naman ang Lolo niya. "Bakit naman ako malulungkot? Alam kong hindi niya magugustuhan kapag nakita niya akong nalulungkot."

Hindi nagawang kumibo ni Lyn.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon