CHAPTER 26

704K 32.8K 43.3K
                                    

CHAPTER 26

"SO...ARE you going to stay with me or...what?"tanong ni Maxrill matapos ang sandali ng aking pananahimik.

Sa kabila ng hesitasyon ko sa ginawa niyang pag-amin ng kaniyang damdamin, pinanghahawakan ko ngayon ang tinig niya. Naroon kasi ang pag-asa na pipiliin kong manatili rito kung nasaan siya. Ang pag-asa na mahihimigan sa tinig niya ang nagsasabi sa akin na sinsero siya sa damdaming inamin. Pero bakit kailangang mag-alinlangan pa rin ako? Nakakalungkot ang ganitong pakiramdam.

Nag-iwas ako ng tingin at magsasalita na sana nang unahan niya ako, "You're not going to say ano...again, right?" umaasa, inosente pa ring dagdag niya, lalo akong natuliro. "I mean, you can decide without saying ano...in a sweet way, when you're having a hard time deciding or feeling uneasy because of me, you know what I mean, right?" Napakarami niyang sinabi, dere-deretso at slang.

Ako ba ang naiilang o siya? Napanguso ako. Tama siya, sasabihin ko na sana ang salitang iyon pero inunahan niya naman ako. Kusa kasi iyong lumalabas sa bibig ko, hindi ko naiiwasan mula pa noon.

"Maaari mo ba akong bigyan ng oras na makapag-isip, Maxrill Won?" naghalo ang kaba at excitement sa dibdib ko, hindi ko maipaliwanag.

Pakiramdam ko ay gumaralgal ang tinig ko. Pero hindi ko matukoy kung ang dahilan ba no'n ay ang kaba o ang masarap na pakiramdam na dulot ng pag-amin niya?

Natatandaan ko pa iyong mga gabing sinusulyapan ko lang ang buwan mula sa aking kama. Kung paano ko iyong inaabot at hinahaplos ng aking daliri habang nakapikit ang isang mata, na para bang tunay ko iyong nahahawakan kahit hindi naman.

Hindi ko nalilimutan ang kaba na idinulot niyong unang beses na magkalapit kaming dalawa, nasa likuran ko man siya o harapan. Hanggang ngayon ay ramdam ko rin ang hiya nang unang beses na magkausap kami. Lahat ay malinaw pa sa aking isipan. At ni isa sa mga iyon ay hindi nagbigay sa akin ng pag-asang magugustuhan niya. Kaya kahit ilang sandali na ang lumipas, tila paulit-ulit ko pa ring naririnig ang kaniyang pag-amin.

Gusto ako ni Maxrill Won... Nakagat ko ang aking labi.

Isa-isa kong inisip ang sarili kong katangian at pilit na inalam kung alin sa mga iyon ang kaniyang nagustuhan.

"I am talking to you, Dainty Arabelle," 'ayun na ang nauubos na pasensya ni Maxrill Won.

Naglakad siya deretso papalapit sa 'kin, sobrang lapit na hindi na halos mag-iwan ng distansya sa pagitan namin. Inilapit niya ang mukha sa akin dahilan para bahagya akong mapaiwas. Pero lalo lang niyang inilapit ang mukha sa akin.

"Ha?" wala sa sarili kong sagot, nautal pa.

Tumabingi ang kaniyang ulo, mas sinisipat ang mukha ko. "Ha?" saka niya uli ginaya ang aking tono, nang-aasar.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Kinakabahan ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang aking mukha sapagkat sinusundan niya iyon ng tingin. Halos maghalo sa hangin ang hininga namin.

"Be my girlfriend," pabulong niyang sinabi dahilan para bigla ko siyang lingunin. Lumamlam ang mga mata niya, inililibot sa kabuuan ng aking mukha. "I really like you and I want you mine, Dainty. Please be my girlfriend."

Umawang ang labi ko. "..." ngunit walang lumabas na salita.

"Swear I'm gonna spoil you," malambing niyang sinabi kasabay ng paghawak sa kamay ko.

Naiwang nakaawang ang labi ko nang iangat niya ang aking kamay at ihaplos sa kaniyang mukha. Mas tumindi ang naghahalo kong excitement at kaba. Hindi ko alam kung paanong sasalubungin ang mga titig niya.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon