Chapter 31

18.7K 1.1K 270
                                    

Louella

I smirked seeing how my parents walked off matapos nilang marinig na ako yung nagpupumilit kay Alliston. Tapos itong isa ay kuntodo taas din ng kilay sa mga ito kanina. Lalo lang tuloy nagalit ang mga ito. But I can't blame Alliston. She's the type of a person that gives people what they deserve. She's reflecting the behavior of other people towards her back to them.

Siguro ay hindi muna ako papasok sa opisina ng mga ilang linggo to make my parents realize that I am dead serious. If they'll be truly disowning me, it's okay. May sariling pera naman na ako. I can always start from scratch.

Sorry Dad. But you will soon accept the fact that I have already decided to be with Alli.

"You can move-in in our house, Ate Lou." Offer ni Aria na lumapit sakin at niyakap ako. "Magbihis ka muna. May mga damit ka naman na hindi galing sa pera nila Daddy. Take everything that you've bought. Sabay ka na samin ni Corinne pauwi."

Si Corinne naman ay nag-aalangan na nakatingin lang sakin. Marahil ay hindi din ito kumportable sakin dahil nga nasanay ito na ayaw dito ng mga magulang namin. Ang totoo, pumayag nga lang ang mga ito noon na magpakasal na silang dalawa ni Ariana dahil sinabi ko na kasal na din naman sila talaga at wala nang magagawa ang mga ito para hadlangan sila. The bargain that I had to feed them? The pact that I will be bringing them millions or even more. Tutal ayun lang naman ang mahalaga sa mga magulang namin. Money, name, and status.

"It's okay, Ate Lou." Dagdag pa ni Aria. "Maluwag naman yung bahay namin para sa amin ni Corinne."

I gave Corinne an apologetic look. I've ruined their baby's sip and see party. It could've gone smooth if I just let my parents rant. Pero ang hirap kasi pigilan yung inis sa mga ito lalo pa at grabe nila laitin at maliitin si Alliston. Tapos heto at makikitira pa ako sa kanila.

I'm too old for this. I should have had my own house at my age. Dapat pala ay mas inuna ko iyon at hindi kung ano-anong investment na nakapangalan sakin.

Sasabihin ko na sana na sa hotel na lang muna ako mag-i-stay hanggang sa makabili ako ng lilipatang bahay nang magsalita si Alliston.

"No." Napalingon ako nang biglang hinatak ni Alli yung kanang braso ko palayo kay Aria. "Pooper will stay with me. Malaki naman yung unit ni Railey. I'll just buy it from her and will give it to Lou pag nakabalik na ko ng Toorak. Magkano lang naman yon. Besides, Lou at her age, should be already investing in properties. Lakas ng loob magyaya ng kasal wala namang sariling bahay."

Nag-init yung pisngi ko sa sinabing iyon ni Alliston. Is that her way of saying that she's now considering marrying me?

"Lakas ng loob magreklamo, saksakan naman ng kaartehan. Akala mo um-oo agad. Gusto pa yata pinipilit sya." Bubulong-bulong na sagot ko din. Pero sigurado ako na within earshot nito iyon.

"Pumayag naman ako ah? Ikaw nga 'tong maarte."

Wow ha! Pumayag nga sya tapos gusto nya maghihiwalay din kami after a year or a two. If that's the case, why do we have to get married pa in the first place? We can just live in together. Check if it will work for us or not.

Only if I am stupid. Nah! Sigurado ako na hindi na ako makakahanap ng gaya nito. Alliston might not be aware of it yet, but we are really meant to be together. We're perfect. She looks good for me. And I look good for her.

"Ano na? Pumayag ka na kasi. Para matapos na."

Awtomatikong nagsalubong yung kilay ko. "If you think you can leave me behind, you should think twice. Sabi mo nga malapit na kong mawala sa kalendaryo. Kung mag-aaksaya pa ko ng isang taon na makikipaglaro lang sayo, baka nalagpasan na ko ng taong mas hihigit pa sayo."

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon