CHAPTER 5

829 123 231
                                    

I'm Nathan Jace Kingscott, Harley's ex boyfriend.

I wasn't her first. But I want to be her everything.

Umuulan noong araw na 'yon nung papunta kami sa ipinagawang mansyon ni papa. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa 'min doon, pero excited na akong makita iyon.

Pinagawa niya ang mansyon namin sa tahimik na lugar, malayo sa ingay ng siyudad. Narinig ko rin na malapit ito sa dagat kaya presko ang hangin.

"Malapit na tayo, anak," sabi ni papa.

Nasa loob pa kami ng kotse. Pero tila ba naaamoy ko na ang amoy ng mga halaman sa paligid, 'yong amoy ng singaw ng dahon pagtapos umulan.

Nang biglang napapreno at napabusina si papa.

"Nako! Muntik na!" Gulat n'ya.

"Pa, bababa ako para humingi ng pasensya," sabi ko.

"Bakit naman?"

"E, baka kasi aswang 'yan nagkakatawang tao lang, tapos isusumpa tayo..." biro ko.

Humagalpak siya sa tawa.

Bumaba ako ng kotse para humingi ng pasensya sa babae.

"Ate! Pasensya ka na, sa susunod kasi tingnan mo 'yung dinadaanan mo, muntik ka pa tuloy mabunggo."

Tiningnan n'ya lang ako mula ulo hanggang paa at tinitigan ako ng masama. Hindi s'ya nagsalita, inirapan ako at umalis.

"Ateng aswang! Sorry!" Sigaw ko. "Wag mo kaming kakainin, ah!"

Napahinto s'ya, mukhang nainis sa sinabi ko. Tumalikod s'ya at agad bumalik sa 'kin.

"Anong sabi mo?" Galit nitong sambit. "Ako, aswang?" Nanlaki ang mga mata.

"Joke lang po ’yon, ate. Binibiro lang kita kasi parang ang sama yata ng araw mo," wika ko.

"Bastos ka, ah. Kung aswang ako, kinain na kita kanina pa."

Napangisi ako habang nakikita ko s'yang palayo.

"Payag na 'ko. Kainin mo 'ko!" Sigaw ko.

"Siraulong bastos na mayaman!" Sigaw n'ya naman pabalik.

Natawa ako at dali-daling sumakay sa kotse.

"Nakipag-away ka na naman sa babae," biro ni papa.

"Sa tingin ko, magiging magkaibigan kami," sabi ko sabay tawa.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mansyon. Pagbaba namin ng kotse ay natulala ako sa ganda nito. Pulido ang disenyo at konstruksyon nito sa labas palang. Hindi ako makapaniwala na dito na kami titira. Pagpasok sa loob, puno ito ng koleksyon ni papa. I was young that time but I know he loves Science. Sa laki nito, mukhang mahihirapan akong kabisaduhin ang pasikot-sikot dito.

Habang nililibot ko ang buong mansyon ay napadpad ako sa tagong bahagi nito, nakita ko ang isang malaking kwarto na bukas, metal ang sahig at tila ba wala itong pinto. Agad akong pumasok dito.

Pagpasok ko ay bumungad sa 'kin ang mga bagay na imbensyon ni papa.

"Wow!..." napanganga ako sa ganda.

"Anak," sabay tapik niya sa balikat ko. "Hindi pwede rito, off limits ang lugar na 'to," an'ya.

Lumabas kami ng silid at may pinindot s'yang buton para isara ito. Nagulat ako sa 'king nasaksihan, nakakamangha. Ang pinto ay lumitaw mula sa siwang sa itaas ng silid at dahan-dahang bumaba. Ito'y gawa rin sa metal at hindi basta-basta mabubuksan.

Sa pasilyo papunta sa silid na ito ay puno ng laser, cctv cameras at mga kagamitan na ginawa para sa siguridad ng mga gamit sa loob ng silid na iyon, at para na rin sa seguridad ng buong bahay.

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon