CHAPTER 17

246 9 0
                                    

S E V E N T E E N

Third Person's POV

PUTUKAN, palitan ng bala, mga granada, at pagsabog.

Iyang ang kasalukuyang kaganapan ngayon sa isang abandonadong Bus Terminal sa Albay dahil sa pagsalakay niya sa kuta ng mga kalaban niya.

"Walang hiyang to. Alam mo bang ilang buwan kang tinugis ng mga tauhan ko pero lagi mo silang natatakasan? May sa daga ka ata, eh?" aniya matapos makatulog ng kalaban dahil sa mga suntok at sipa niya. "Dalin n'yo na ito." utos nya sa dalawang kasama at napabuntong hininga.

Nadismaya siya dahil napakabilis lang niya natalo ang mga kalaban. Hay.

"Anong gagawin natin dito, Lord?" tanong ng isang babae.

"Torture one, level 2 agad. Pag di nagsalita itaas nyo ang lebel ng pagpaparusa." sabi niya at inunat ang mga braso at binti. Kahit papaano ay nanakit naman ang mga ito dahil sa pakikipaglaban niya.

Sa loob ng halos dalawang linggo ay eto lang ang inasikaso niya.

Si Carlo Ayola AKA Carla A, isang mafia boss na pinatalsik sa Organisasyon dahil sa nalaman niyang nagpapatakbo pala ito ng mga illegal Hostes Club na ang mga nagtatarabaho ay mga binatilyong may edad katorse hanggang bente. Sapilitan silang ibinebenta ang kanilang mga katawan sa utos at pananakot ni Carla A. Bukod don ay nagbebenta din ito ng mga clone gadgets na mahigpit na ipinagbabawal.

Tatlong buwan nang tinutugis ng mga tauhan niya si Carla A ngunit masyado itong magaling tumakas at magtago.

Matapos ang labanang naganap ay sumakay na siya sa jet plane na gamit nilang tatlo.

Oo, tatlo sila. Ngunit siya lang ang nakipag laban dahil mas gusto niya ang mag isa. Mas sanay siya ng mag isa.

Lulan ng jet plane ay sa hide out muna siya tumungo. Nais niyang maglinis ng katawan dahil sa madaming dugo ng kalaban ang kumapit dito. At saka nang malinis na din ang mga sugat niya bago ito tuluyang mag hilom.

☣☣☣☣☣☣☣☣☣☣

Aize' POV

"SAMA ka ba ulit, A?" tanong ni L sa akin.

"Pupunta na naman kayo don? Pano kung nakasara pa rin ang pinto?" sabi ko. Kahapon kasi nang mag punta kami ay nakasara ang pinto ng kwarto ni Bon. Actually, pang-apat na beses na yung kahapon. Ang sabi ni Uchiro, baka daw nagising siya at nailock ang pinto tapos natulog na ulit. "Ayoko na sumama magsasayang kang ako ng lakas.." sabi ko at naglakad papasok sa kotse ko.

"Sige na, A? Ano, kami lang ni N doon?" aniya. Sa huli ay napilitan akong sumama.

"Aba bakit? Tatay nyo ba ako? Di ba kayo papapasukin doon pag wala ako?" asik ko.

"Eh shempre kaibigan ka namin kaya sumama ka na..!" pamimilit pa nito.

"Ayako nga!"

"Sus kaya siguro ayaw mo sumama kasi broken ka! Kasi yung crush mo may asawa na pala. Ahahahaha—ARAY!" mahabang litanya nya kaya agad ko syang binatukan.

"Sira ulo! Tangina mo sasama na ko!" inis na sabi ko sa lang sa kanya kaya.

"Yan ganyan, A. Ahahahaha." saad na lang nya.

Pagkatapos non ay napunta na rin kami agad sa ospital.

"Bukas na ba ang pinto, pre?" tanong ni kuya Calyx kay Uchiro.

SECRET MAFIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon