Chapter 93: Monsters

35.3K 2.9K 1.5K
                                    

MATA sa mata kong tinitingnan si Nick, nanginginig din ang aking labi sa galit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MATA sa mata kong tinitingnan si Nick, nanginginig din ang aking labi sa galit. Maraming estudyante ang napatingin sa direksyon naming dalawa. "Tanggalin mo 'yong mga poster." I said.

He smirked. "Bakit? Will you show the monster inside? You are not a normal student, Jamie. Mga halimaw kayo sa Class Zero." He said at mas lalo akong nainis kay Nick. Alam kong inggitnsiya dahil nasa Class Zero kami pero hindi ko alam na magagawa niya ang ganitong bagay.

Tiningnan ko siya ng mata sa mata. Kung hindi ko siya madadaanan sa matinong pakiusap, I will use my ability to this stupid asshole. "What if the whole Philippines knew about you? That you are no ordinary students... nakakatakot kayo."

Inilapit ko ang mukha ni Nick sa akin. His smirked doesnt fade.

Halimaw.

One word pero bilang isang glitch ng society ay napakasakit itong marinig mula sa mga normal na tao. Hindi namin hiniling na maging ganito kami.

"Bawiin mo ang sinabi mo Nick hanggang may pagkakataon ka pa,"

"Why would I? Halima—"

"Tumalon ko sa thir—" hindi ko na naituloy ang aking sinasabi noong dumatin si Jessica at tinakpan ang mata ni Nick.

"Okay guys, tapos na ang palabas. Wala ba kayong mga klase? Inuuna ninyo pa tsismis tapos magtataka kayo kapag may bagsak kayo," sigaw niya sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. "Go, pasok na kayo sa mga room ninyo!"

"G-Girl mauna na kami sa klase, hintayin ka namin." Sabi ni Aris at naglakad na silang dalawa ni Diana.

Napabitaw ako kay Nick at napahinga ng malalim. Did I just wish Nick to die?

Seryoso akong tiningnan ni Jessica at inalis niya ang pagkakatakip sa mata ni Nick. "Oh, another monster is here." He said.

"Oh, may feeling matalino na nagmamagaling na naman." Ganti ni Jessica at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay para mapakalma ako. "You know what, Nick, you are just good in solving math. Pero tanga ka sa lahat ng aspeto. Akala mo makakapasok ka sa Class Zero sa panlalaglag mo sa amin? Asa ka."

Nawala ang ngisi sa labi ni Nick at napalitan ng inis na ekspresyon. "You will regret na binangga mo ang Class Zero, Nick. Baka makita mo ang kapangyarihan ng sinasabi mong mga halimaw..." lumapit ang mukha ni Jessica sa tainga ni Nick.  "Maihi ka sa takot. Have fun sharing fake news, it describe your whole personality— fake."

Hinatak na ako ni Jessica papaakyat sa rooftop. Kaming dalawa lang ang tao ngayon dito.

"Jamie, you almost kill someone," bungad ni Jessica sa akin.

"Nadala lang ako ng galit ko. Inuulit-ulit niya na halimaw tayo—"

"Jamie, hanggang kailan ka madadala ng emosyon mo? Lagi na lang bang ganito?" Nabato ako sa sinabi ni Jessica. She seriously looked into my eyes. "Okay, I get it na nag-aalala ka sa kapatid mo pero huwag mong ibuntong sa lahat ng tao ang frustrations mo. Kakampi mo kami, if you want to save your brother, ganoon din kami."

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon