Kabanata 30

59.4K 2.9K 2.4K
                                    

Kabanata 30

Life is precious, that's what I always believe since I was a child. Hindi ko alam kung paano ako nag-umpisang maniwala sa ganyang kasabihan, hindi ko alam kung kailan ako nag-umpisa sa ganiyang mindset.

Maybe, I thought, because my life is uncertain. Maybe because hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado, walang kung sino man ang sigurado na muli pa tayong magigising sa panibagong umaga.

Life is short and uncertain that's why we have to do our best to make the best of it everyday.

Pero sana ay ganoon lang kadali. Noong bata ako, I didn't think much of bullies and those people who hurt others for their own selfish gratification, hindi ko sila hinahayaang punuin ang utak ko ng sakit noon, I just let them and do not take it to the heart. Ang nasa isip ko noong bata pa lang ay maging masaya, matupad ang pangarap, maging doktor at matulungan ang Nanay pero noong lumaki at tumanda ay marami nang dumagdag sa isipan ko.

As I grow older, I realized I shouldn't just be happy alone. Naisip kong habang lumalaki ay mahalaga rin ang kasiyahan ng mga taong mahal ko. Na hindi ko na kayang maging masaya ng ako lang dahil iniisip ko na rin ang kasiyahan nila.

Ang kasiyahan ng mga kaibigan ko at ni Atlas ay mahalaga sa akin. I realized as I grow older that their happiness becomes my happiness too.

If Atlas and I would get married, would he be happy if he found out our future children might inherit the same condition from me? Would he be happy if he found out I might not be able to bear his child? Magiging masaya ba siya kapag nalamang hindi kami maaaring magkapamilya?

That thought pained me, sama-sama na ang sakit sa pagtanggi sa kanya, sakit sa kondisyon ko, sakit na may tyansang 'di ko siya mabigyan ng pamilya at sakit para sa Nanay ko at sa lahat ng nangyari sa kanya.

The familiar scent of antiseptic woke me up and unlike before, the smell made me quite relieved.

I'm still alive. Thank, God. I am still alive.

I slowly opened my eyes and saw the white walls and when I moved to glance at the side, I saw how Heart shifted her gaze at me.

"L-Lia!" she exclaimed and ran towards me.

Hindi pa man ako nakakaayos ng upo sa kama ay dumamba na siya sa akin, I gasped, mabilis siyang yumakap sa akin at nagulat na lang ako nang bigla siyang napahagulgol.

"H-Heart..." I called, still confused.

"Y-you woman!" she exclaimed. "P-pinag-aalala mo kami, Amalia!"

Mula sa gilid ay nakita ko si Josh na nakatayo rin at pinagmamasdan kami, si Dr. Sean ay naroon sa gilid kasama ang isang pamilyar na doktor at pinagmamasdan kami ni Heart. I saw how bloodshot his eyes are, nakita ko ang pag-aalala roon kaya nakagat ko ang labi at muling inilibot ang tingin.

He's not here...

Marahang lumayo sa akin si Heart, nang hawakan niya ang balikat ko ay nakita ko ang pamumugto ng mata niya, namumula rin ang pisngi at napapahikbi.

"Anong...anong nangyari?" I asked.

"Y-you fainted in the parking!" she told me.

"R-really?" I asked, remembering what happened before that. The last thing I remembered is running away and then I sat on the pavement and that's it.

"O-oo!" she sobbed. "Loka ka, mabuti at sinundan ka ni bobo! P-paano kung hindi! P-paano kung—"

"N-nasaan siya?" I asked worriedly, my heart started thumping inside my chest again.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon