23. Contest

146K 3.2K 345
                                    

Parang pinupokpok ang ulo ni Angela sa sobrang sakit.

Ilan beses na rin syang bumahing at umubo.

"Ateng okay ka lang?" Tanong ni Carlos/Carla na tumabi sa kanya ng upo at uminom ng tubig.

Nasa Dance Studio sila ng C.U kasama ang Outcast.

2days from now ay foundation Day na at Dance Contest.

Kaya puspusan ang practice ng mga kasama nya.

"I'm fine."

"Naku ayan ka na naman sa I'm fine, I'm fine eh 2 days na yang, ubo at sipon. At ate you're not looking good na."

"So?"

Umiling ito.

"Kung ako ang may ganyang facelak, naku di ko hahayaan na pumangit I'll always make sure na lagi akong beautiful at mukhang Dyosa." Maarteng sabi nito.

(=_=) Sya.

n_n Carla.

(=_=) Sya.

(_ _) Carla.

"Kaw naman di mabiro hehehe."

"How are they?" Tanong nya na naintindihan naman nito.

"Kabisado na nila lahat ng steps konting shembot na lang at landi ready to battle na sila."

"Good."

"Alam mo friend thankful kami kasi kinaibigan mo kami. Dahil sayo dumalang ang mga namb-bully samin, natuto kami ipagtanggol ang self namin we also knew na kung kelan dapat lumaban at kung kelan hindi." Nagpahid ito ng luha kahit wala naman.

"Kaya nung mapanood namin ang news alam namin na hindi iyon totoo. Ipagtatanggol ka namin. We all respect you, kaya ipaglalaban namin ang Kagitingan Huhuhuhu... aray ang shaket naman."

Parang timang humagulhol ba naman iyong hagulhol na pang drama.

Binatukan nya nga.

"Kain na tayo." Sabi ni Maelyn na pawisang lumapit sa kanila.

"Ay sus kaya ka nagiging oink oink. Matakaw ka kumain." Asar ni Carla dito.

Inirapan ito ni Maelyn.

" Bakla."

"Echuserang frog."

"O nag-aasaran na naman kayo." Si Jake habang nagpupunas ng pawis.

Nakita nya sa gilid ng mata nya na pasulyap sulyap sa kanya si Clent, tulad din ng pagsulyap ni Maelyn rito.

"Kumusta ang Lolo mo?" She asked to Daniella."

"He's okay, naka confine pa din sya." A hint of worry is evident in Daniella's voice.

"Don't worry Dani we're going to win mapapaopera mo na din ang Lolo mo, diba Gela." Pagpapalakas ng loob dito ni Julia na tumingin sa kanya.

"Tss. Kung gagalingan nyo ang pagsayaw sigurado mananalo tayo." Bumahing sya at napaubo.

"Okay ka lang ba talaga Gela namumutla ka." Nag-aalalang tanong ni Clent sa kanya.

Tumango lang sya at tumayo.

"Nagugutom na ko. Tara na sa canteen." Saka nauna syang lumabas ng studio.

Walang nagawa ang mga ito kundi sumunod sa kanya at bigyan sya ng nag-aalalang tingin.

Maingay ang loob ng canteen. Ingay na humina ng pumasok sya. Nagsimula na namang magbulungan ang mga ito, nagbulungan pa nakatingin naman sa kanya.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon