Chapter 2

28.7K 1.1K 144
                                    

"Class dismissed."  Sabi ni Sir Cuballes bago bibitin ang gamit at maglakad palabas ng silid.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad na napatingin sa gawi ko ang mga kasama ko sa loob.  Nagsitayuan sila at lumapit sa gawi ko at ngayon pinalilibutan nila ako.

Nakayuko lamang ako ng may isang sapatos ang pumatong sa arm rest ko dahilan para mag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Guwapo, masungit ang dating ng mukha, maputi at mukhang makulit, singkit na Chinito. Tinignan ko lamang siya sa malamig na paraan at siya'y ganoon rin ang ginawa. Nakipagtitigan siya sa akin hanggang siya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Hay, Transfer! Umalis ka dito dahil hindi ka welcome dito," sabi nung lalaki na nakapatong ang paa sa arm rest ko.

"Alam ko." Sabi ko sa malamig na tono. "Tingin n'yo pangalang ay halatang hindi na ako welcome dito." Dagdag ko pa.

"Eh, alam mo naman pala eh." Sabi n'ya. Ang iba naman ay nakikinig lang sa amin. "Kaya makakaalis kana."

"Bakit hindi ikaw ang umalis."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Ano ba ang pagkakaintindi mo?"

"Inuutusan mo'ko."

"Eh di inuutusan kita, 'yan pala pagkakaintindi mo eh." Sabi ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga kasama n'ya.

"Ginagalit mo ba ako?!" Impit n'yang sigaw.

"Galit kana ba?"

"Ano sa tingin mo?!"

"Hindi pa." Nagbungisngisan uli yung mga kasama n'ya.

"Pare, taob ka pala eh." Sabi nung isa sabay tawa. Tumawa rin ang iba. Nakita ko naman na umiigting ang panga nitong kausap ko.

"Shut up!" Sigaw nung kausap ko. Natigil naman ang tawanan lero mayroong mga nakatakip sa bibig nila at nagpipigil tumawa."Dahil sa pang-iinsulto mo sa akin—" Hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng magsalita ako.

"Dahil sa pang-iinsulto ko sa 'yo ay paglilinisin mo 'ko ng class room sa loob ng isang linggo, right?" Napaawang naman ang bibig n'ya pero agad din n'ya iyong binawi.

"Yes. Because you're new student and for insulting me!" Sigaw n'ya sa'kin pero walang effect.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon