Chapter 11

15K 638 477
                                    

#MMIM11

"OMG, sino kaya magpeperform? There was this one time na nag-perform ang IV of Spades, eh!" sabi ni Zoe habang kami naman ni Odette ay nag-aayos pa ng gamit.

Si Zoe, kanina pa ready umalis ng classroom. Wala pang dismissal, suot niya na kaagad bag niya, e!

"I heard it's a band, too, this year! And a girl," sabi naman ni Inez na ngayon ay nagrere-apply ng lipstick niya.

"Saan mo nanaman nakuha 'yan, hoy!" pagdududa ni Odette kay Inez.

Tuluyan silang nag-kwentuhan habang ang pansin ko naman ay nakatuon lang sa quiz namin sa Monday.

"Hello!" Siko sa akin ni Odette. "Nakikinig ka ba? Sabi ko maaga tayong pumunta sa Main para hindi tayo nasa super likod!"

"Ayoko nga pumunta. Siksikan." I shook my head.

"Sige na! Atska, pupunta sina Lance, diba? Tradition kaya 'yon! Hindi ka papasa kung hindi ka makiki-Christmas tree lighting!"

Kumunot ang noo ko sa kanya habang si Zoe sa tabi namin ay natatawa na lamang. Sina Inez naman ay humiwalay na rin dahil nag-aapura silang makarating sa Main campus.

"Galing mo mag-imbento." Batok ko kay Odette. She laughed and continued to swing her bag.

"Sige na kasi! Zo, punta ka, right?"

Zoe immediately nodded, as if it was an obvious answer. "Oo naman! Madaming pogi sa Main, 'no!"

Ngumiwi ako sa sinabi ni Zoe.

Did she really just say that? Mas marami kayang gwapo dito sa campus namin! All the guys at the main campus either look stressed out or completely chill and boblaks. There is no in between.

"Sino pala gumawa ng Christmas tree this year?" I asked my friends once we got to the line for the jeepney.

Nagkibit balikat si Odette. "Baka School of Med. Sila kaya?"

"Uy! Ela!" bati ni Odette bigla sa isang magandang babaeng naglalakad rin palabas ng campus. Typical of my friends since they're all such social butterflies.

"Hi, Dette!" binati siya pabalik nung babae.

The girl was with a guy that seemed... familiar.

Nginitian ko na lamang silang dalawa at tumingin sa malayo.

"Pupunta ba kayo sa main?" tanong ni Zoe. "We're on our way out! Baka maraming tao agad, e."

"Oh, yeah! We could give you a ride, right?" tanong nung Ela sa lalaki na kasama niya.

"Ah, h'wag na!" Umiling si Odette. "Nakakahiya naman!"

"Hala, baliw! Papunta na rin lang kami doon. Ang haba pa ng pila ng jeep natin ngayon." Ela smiled. "Kayo lang ba?"

"Yup! Eto pala si Natalia, kilala niyo na ba siya?" tanong ni Odette.

"I don't believe we've met." Ela looked at me and smiled even wider. "Hello! I'm Ela. This is my boyfriend, Jaxon."

Ela was petite. Hindi naman siya sobrang tangkad pero di rin siya sobrang liit. Mapayat talaga siya at may highlights ang buhok niya. Yung boyfriend niya naman ay medyo mas matangkad sa akin. He looks nice naman. Gwapo rin siya, pero hindi na ako gulat do'n dahil nga maraming gwapo dito sa SAMCIS.

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon