Chapter 4

23.6K 1K 212
                                    

Hirein's POV

Mag-iisang buwan na ng pumasok ako dito sa University na ito. Kaso patuloy pa rin si James sa pang-aaway sa akin. Si James nalang ang umaaway sa'kin kasi yung mga kaibigan nya takot 'ata mabara.

"Hoy!Babae!" Tulad ngayon. Nag-uumpisa na naman s'ya. Wala pa kasi si Sir Cuballes kaya mang-iinis na naman s'ya. Pero sa huli s'ya ang inis.

"Hoy!Lalaki" Banat ko.

"Umalis kana dito" Kapal, sa loob ng nagdaang araw lagi na n'ya lang akong pinapaalis dito.

"Ba't hindi ikaw ang umalis? Ikaw ang naka isip" Sabi ko. Ba't hindi s'ya ang umalis s'ya ang naka isip eh.

"Ginagalit mo na naman ako!" Pabagsak n'yang inilapag ang dalawa n'yang kamay sa arm rest ko.

"Oo, ang pangit mo pala magalit." Sabi ko. Nagbungisngisan naman ang iba.

"Iniinis mo na naman ako!?" Igting pangang tanong n'ya.

Sumandal ako sa sandalan ng arm chair ko at nag crossed arms.

"Ano ba ang morning routine mo? Ang mang-inis, hindi ba?" Sabi ko habang diretso ang tingin sa kan'ya. "At ang morning routine ko? Ang inisin ka." dagdag kopa.

"Shut up!" Sigaw n'ya.

"Katakot." Bulong ko.

"What did you say!?"

"Shut up."

"What the—" Hindi ko na s'ya pinatapos sa sasabihin n'ya ng putulin ko iyon.

"Hell." Putol ko sa sinabi n'ya dahil alam kong mura ang kasunod no'n.

"Iniinis mo talaga ako?!"

"Ang kulit sabi ngang OO eh, morning routine ko 'yun eh." Sabi ko na may bahid ng pagka-inis sa boses. Ang kulit sabi ngang morning routine ko iyon eh.

"HAHAHAHA!" Tawa n'ya.Baliw na ba 'to? Kanina galit-galit ngayon tawa-tawa.

"Anong nakakatawa?" Taas kilay kong tanong. Tumatawa na naman s'ya. "Stop laughing, ang pangit mong tumawa." Sabi ko sabay irap.

"Sa gwapo kong to." Turo n'ya sa mukha n'ya."Pangit sa paningin mo."

"Oo, sobrang pangit mo! Sa sobrang pangit mo,mukha kang pinulot sa kanal!" Galit kong sigaw sa kan'ya.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon