LXI

2.7K 158 14
                                    

" Coach may problema ba? " tanong ni Father sa kanina pang tahimik na si Mafe

" uhmm.. Father pwede po ba kayong makausap? "

" of course " sabay tango ng pari at naglakad sila palayo sa mga tao na nasa loob ng complex

" Father hindi ko po alam kung pano ito sisimulan, kasi po.. " pag alalang saad ni Mafe

" Coach tungkol ba to kay Mrs. Uy? " pag usisa ng Pari, nakikita kasi nya sa mga mata ng babaeng Coach na parang hindi ito mapakali

" Father wala na po bang iba? "

" honestly maraming gustong maging Team Manager ninyo " pag amin ng Pari

" so ano po nangyari, bakit po sya? "

Kumunot ang noo ni Father John sa reaksyon ng Coach

" may problema ka ba sa kanya? Do you know each other? May past ba kayo na dapat kong malaman? "

Nang biglang magsalita si Charlene

" Oo nga, may problema ka ba sakin Coach Galanza? "

-

" Ang yaman ng bagong Team Manager natin, may pakain agad " wika ni Freya habang ngumunguya ng kinakain nyang Chicken Lollipop

" Oh pinsan bakit hindi ka pa kumuha ng food? nahiya ka ba? Libre lang to " tanong nya sa nakatayong pinsan

" Wala akong gana " tipid na sagot ni Antidote

" Walang gana? Wait pakihawak muna ng plate ko at ako na kukuha ng food mo.. hindi pwedeng hindi ka kumain kahit konti.. " wika ni Freya at pinahawak sa pinsan ang plato nya maraming lamang pagkain

Nang makaalis si Freya

" Hi " bati ng bagong Team Manager

" Antidote, right? " tanong ni Charlene

Hindi sya sumagot

" hindi ka naman mukhang gutom " nakangiting komento ni Charlene sa hawak na pinggan ni Antidote na may lamang pagkain

" it's not mine " walang gana nyang sagot

" oh.. kung hindi sayo bakit ikaw may hawak? "

Hindi sya kumibo, wala syang balak makipag usap sa babaeng katabi nya kaya mas minabuti na lang nya umalis.

Pero hindi pa sya nakakalayo nang magsalita si Charlene

" i need to talk to you about the team "

Huminto sa paghakbang si Antidote at hinarap sya

" talk to our Coach "

" you're the Team Captain..so you are the one i want to talk to " taas kilay na saad ni Charlene

" too bad.. I am not the Team Captain " sarkistong sagot ni Antidote

" Pinsan " biglang sulpot ni Freya

" Ito inom ka muna, masarap ang wine nila " sabay bigay ng baso na may lamang wine. Dapat kasi ang nakuha nyang food ang ibibigay nya dito pero nakita nya kasi ang seryosong mukha ni Antidote kaya mas minabuti nyang kumuha na lang ng wine. baka kung makainom ito eh sakaling kumalma kasi nakikita nya parang nababadtrip ang pinsan sya sa pakikipag usap sa bago nilang team manager

" she's right.. " at lumapit kay Antidote

Sumenyas sya at bigla may lumapit sa kanyang body guard at binigyan sya ng baso na may lamang wine

My Ace Princess: Antidote Wong Where stories live. Discover now